Kiezer's POV
Nandito ako ngayon sa counter ng ospital.
"Saan yung room ni Ms.Ellie Abueva?" Tanong ko,tiningan naman agad nung nurse yung list ng patients.
"Ah. Kakalabas pa lang po nya." Sabi nung nurse.
Ha? Lumabas na pala sya. Tangna naman kasi ang traffic kanina e. Umabot ako ng kalahating oras dahil sa traffic.
Tinawagan ko si Steven.
(Hello?)
(P're nakalabas na pala sina Ellie? Alam mo san yung bahay nila? Para mapuntahan ko.)
(Ha? A-ahm...b-baka di sila d-dumeretso s-sakanila)
(Paki-bigay nalang yung address)
(......)
(P're? Andyan ka pa ba? Steve?)
(.....)
Hayst. Anong problema nun? Binaba ko nalang..
Hihintayin ko nalang sya hanggang sa makapasok na sya.
Tatanungin ko nalang yung nurse kung anong lagay ni Ellie.
"Ah miss,ano nga pala lagay ni Ms.Ellie Abueva?"
"Ah,sa pagkakaalam ko po,ayos na sya. Kaya lang,sumasakit daw ang ulo nya dahil sa amnesia that she's suffering. Kilala nyo po ba sya?" Sabi nung nurse.
Umalis na lang ako.
Chichismis pa sya e. Halata namang may gusto lang sakin.Bumalik nalang ako sa bahay. Naabutan ko sina Jay at Francis.
"Bro!" Sabay hila nila saakin.
Isip bata talaga.
"Oh? What's with that face?" Tanong nila sakin.
"Hindi ko sya naabutan"sabi ko.
"Huh? Sino?"
"Si Ellie."
"Yow!,ano 'to?! Totohanan na?! Sus! Yieee!" Panunukso ng dalawa sakin
"Manahimik kayo"
Nanahimik naman.
"Oo nga pala bro. Nakapagregister na kami dun sa contest. Bukas na simula ng practice" sabi ni Jayron. Tiningnan ko sya.
Paano kami magpapractice?e hindi pa nga pwede si Ellie. Tsaka,sino naman kaya ang mga nahanap nilang teammates namin.
"Huh? Sino-sino?" Tanong ko.
"Sinali namin sina,Ayesha pati si Kyle. Kasama narin si Mathew,para kumpleto na"
Napatitig ako ng masama kay Francis.
"Bakit nyo sinali si Mathew?!" Sigaw ko.
"Why? Is that a big deal?"
Nainis ako sa sinabing 'yon ni Francis.
Umakyat nalang ako,baka mang-init pa ang ulo ko dito.
"Bro! Ano problema mo?!" Narinig kong sigaw nila,pero inirapan ko nalang.
Isinubsob ko ang ulo kobsa unan ko.
Hayst.
"Sana hindi ka nalang nawala Kelay. Kasi nahihirapan ako. Sobra"
Pagbigkas ko ng mga salitang 'yun,lumuha ako.
Bakit kasi kailangan,mawalan sya ng memorya?Bakit kailangan pa na makalimutan at mahiwalay ako sakanya? Pwede naman kasing hindi nangyari lahat ng 'yun e.
Ang sakit kasi sa pagbabalik nya saakin,everytime na lang nya akong pinagtatabuyan,kinamumuhian,inaayawan,at ang masakit,wala na syang nararamdaman para saakin. Kasi,kay Steven,kay Steven na ang puso nya. Mahirap mang tanggapin,pero baka ganun na lang talaga e. Pero...tama kayang sukuan ko sya? Tama kayang ibaon ko nalang sa hukay ang nakaraan? O mas tama na iwasan at lubayan ko na sya,para ng sa ganoon,hindi na madagdagan pa ang pagmamahal ko sakanya,at para narin,maging malaya sya.
Sana kayanin ko,pero. Ipinaalam na sya ni Steven saakin e. Dahil aalis si Steven,pero,baka hindi ko magawa ang pangako ko kay Steven,dahil lalayo na ako,para maging masaya sya.
*ohh everytime i see you...*
Kinuha ko ang phone ko,at sinagot ang tawag.
"Hello?"
(Hello Kiezer? )
"Sino 'to?"
(Ha? Sigurado kang di mo natatandaan ang boses ko?)
"F*ck,kung sinabi mo na ngayon kung sino ka,edi naisip ko na ngayon kung sino ka nga!"
(Ang harsh!,chill. I'm Klhea,remember?)
"K-klhea?"
(Yup. Nakabalik na ako sa Philippines,and i hope na makikipagkita ka sakin)
"Ofcourse,marami kang dapat malaman."
(Okay bye. I miss you!)
"Bye"
Bakit naka-timing sya?
Kailangan ko si Klhea. Kailangang kailangan.Ellie's POV
"Okay na nga ako!"
"Sigurado ka? Baka masakit pa 'yang ulo mo,gusto mo hilutin ko? Ayo--"
"ANG KULET!" Napasigaw na ako sa kakulitan nina Pau at Janna. Binisita nila ako saamin,malapit lang 'to kina Kiezer,kaya ang sabi ko,magtago sila. Kaya yun nakapagtago naman.
"O-okay. Sabi nga namin okay ka na e" sabay atras ni Janna.
"Sabi pala ni Francis,pumunta daw si Kiezer sa ospital,kasi di ka naabutan."
Napalingon ako kay Janna.
Si Kiezer? Bibisitahin ako? Weh?
"Tss."
"Totoo nga. Nag-eemote pa nga raw. Biglang walk-out nung malamang kasama si Mathew sa team."
Lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Pau.
"Di kaya.....naiinlove na sya sayo?! Omyghad!" Sigaw ni Janna.
"Imposible yan Jan" sabi ko.
"Posible! Bakit sya magcoconcern at mag-rereact ng ganon kung di ka nya gusto?,palibhasa bitter kang manhid ka!"
Pinanlakihan ko ng mata si Janna.
"Tama na nga,baka sumakit pa ang ulo ni Ellie." Saway ni Pau
Natahimik nalang kami ni Jan.
"Bakit nga pala si Kiezer ang nagdala sayo sa ospital,nung mahimatay ka?"
Nilingon ko si Pau.
Bakit nga ba?
Ah....dahil sya ang kasama ko n'on.
Naalala ko tuloy...
Kasi,nung palapit ng palapit sakin si Kiezer ng panahong 'yun,biglang may nagflash sa utak ko.
Isang batang babae at lalaki,masaya sila,nagmamahalan. At parang ako yung babae.....
Sino 'yung lalaki?
"Ellie? Ayos ka lang?"
Tumango ako at pumikit.
"Magpapahinga lang ako"
Lumabas na sila,nakapikit parin ako,pero nasa utak ko parin yung nagflashed kanina sa utak ko.
Bakit ngayon lang nangyari 'yun? Tsaka bakit si Kiezer ang dahilan kung bakit ng flashed sakin ang pangyayaring 'yun. Feeling ko tuloy,ang dami dami kong tanong sa sarili ko na walang sagot. Sino si Kiezer? Sino ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/82242164-288-k999938.jpg)
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Teen FictionWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...