31.Forgiveness

130 3 0
                                    

Ellie's POV

Nagising ako na masakit ang ulo at katawan. Ang init pa ng pakiramdam ko. Hayst. Ano kayang nangyari at nilagnat ako.

"Anak,ayos na ba ang pakiramdam mo?" Nanlaki ang mata ko ng makita si mama na inaayos ang pagkain sa side table ko.

Nang matapos ang ginagawa nya ay nginitian nya ako.

Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti pero hindi ko rin naman magawa.

Napayuko si mama at lumapit saakin,hinawakan nya ang noo ko at kinuha ang palanggana na may tubig at bimpo.

"Pwede ba kitang hilamusan anak?"

Hindi ako sumagot pero ginawa nya parin.

Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagagalit kay mama. Naguguilty tuloy ako...

"Anak,hindi ko hinihiling na patawarin mo kami ng tatay mo,agad. Pero anak,..." hindi natapos ang sinasabi nya ng may magtext saakin.

Alam ko naman na si Kiezer 'yun,kung hindi nangungumusta,good morning,o kaya naman kumain na ba ako. At kung anu-ano pa. Hindi na ba ito nagsawa? I mean,ayoko naman syang magsawa,pero...baka kasi mapagod na sya.

"S-sige na anak,replayan mo na,basta 'pag may kailangan ka,pwede kang magsabi saakin."

Bago makalabas si Mama,nakita ko na nangigilid na ang tubig sa mga mata n'ya.

Hayst!

Ellie,Ellie,Ellie,

Nakakainis!,bakit ko ba kasi binabalewala ang pagsuyo n'ya-nila. Para tuloy akong nililigawan din nila e.

Nagring ang cellphone ko at sinagot ko naman 'yun.

(Good morning!)

"Good morning"

(Bakit ganyan ang boses mo Ells? Ayos ka lang ba?)

"Steve,ayos lang. Medyo,may lagnat lang."

(Ha?! E bakit hindi ka muna mag-almusal? Teka?...nag-almusal ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot?..atsaka-)

"Steven..."

('Wag mong kalimutan na uminom ng gatas,pati 'yung healthy-)

"Steven.."

(May nag-aalaga ba sa'yo dyan? Nasaan na sina tito? Inaalagaan..)

"STEVEN!"

(Ellie,'wag mo na akong pigilang mag-alala,alam naman natin ang kalagayan mo,atsaka wala ako sa tabi mo,kaya sobra kung mag-alala syempre)

"Steven..nanliligaw na si Kiezer"

Natahimik sa kabilang linya kaya bumuntong-hininga ako.

"Steve.."

(Wow. Talaga? G-good for you.)

"Steven.."

(Ngayon,kampante na ako,safe ka kapag nandyan sya)

"Steven.."

(Ellie,'wag mong isipin na galit ako,masaya ako sainyo,para sainyong dalawa,I'm happy. Totoo 'yun,kaso,..magmomove-on palang ako e. )

"Alam ko,sorry.."

(I said it okay,I'm happy for the both of you,sana..'pag handa ka na..sagutin mo na s'ya. Kasi deserving sya e. At..alam kong mahal na mahal mo s'ya.)

"Thank you.."

(Ah,sige na. Bye,ingat ka. Get well soon..I miss you)

Sasagot na sana ako kaso agad na nyang inend. Galit ba?

"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon