Paulyn's Point Of View
Siguro ngayon lang 'to,
'Yung Point of View ang tinutukoy ko!..Xd.
Andito na kami sa mall,aba! First time ata naming lumabas at magpunta sa mall ng magkakasamang anim.
"Guys bili muna kami ni Janna ng frappe. Balikan nalang namin kayo sa harap ng cinema 2." Sabi ni Jayron.
"Aysuss! Gusto mo lang isolo!" Pambabara ni Kiezer.
"Inggit kalang."
"Asa."
Nang makaalis na sila,nagpaalam din sina Kiezer at Ellie na bibili ng snacks. Naks! Parang nagde-date! Kaya kami ni Francis ang pupunta sa cinema 2 at bibili ng tickets. Mga bwisit na yon. -,-
"Tara na?" Aya ni Francis. Tumango ako at naglakad na papunta doon sa second floor.
Ang tahimik lang namin maglakad. Kung nagtatanong kayo kung ayos na ba kami ni Francis? Ewan ko.
Kasi after nung i-set up kami ng mga magagaling kong kaibigan,hindi din naman kami nagkausap non,kasi tumawag si Charles. At ang sabi nya noon,pinapapunta daw ako ng papa ko.
Kaya hindi din kami nakapag-usap. Ewan ko lang kung ano talaga ang problema. Hindi naman namin alam kung ano nga ba kami.
Hindi ko napansin na nasa tapat na kami ng cinema 2. At kung sinuswerte nga naman! Ang haba ng pila! Anong oras na?! Jusmee!
"Uh~oh..sige hintayin mo nalang ako dyan,ako na ang makikipagpilahan." Sabi ni Francis. Tumango ako at umupo sa isang malapit na benches.
Nainip ako kaya nilabas ko ang cellphone ko at nagscroll down sa instagram,habang nagii-scroll down,nahinto ako sa isang picture..
Si Francis..
May kayakap na babae..
Biglang may tumusok sa dibdib ko,pero parang yung puso ko lang yun. Bakit ganun? Parang..may iba. Nagseselos ba ako?
"Miss? Can I sit beside you? Wala na kasing ibang vacant benches,hinihintay ko lang 'yung mga kaibigan ko na bumili ng tickets. If you mind?" Sabi nung lalaki na maputi at tisoy,ang gwapo nya. Sheemay!
"A-ah,o-okay." Sabi ko. Nakakautal naman kasi yung kagwapuhan nya! Para pang inistapleran ng ngiti sa labi.
Mag-iiscroll pa sana ako sa cellphone kaso biglang lumitaw ang low battery warn sa screen ng phone ko. Bakit hindi ko na nacharge yun?tss.
Nilagay ko na sa loob ng bulsa ko ang cellphone ko,nakita ko naman na malapit na ng konti si Francis sa ticket booth,
Kinalabit naman ako ng katabi ko.
Nakita kong nakatapat saakin ang isang box ng popcorn,
"Do you want?" Tanong nya.
"No,thanks."
"Okay."
"By the way,I am Karl." Sabi nya sabay lahad ng palad nya at ngumiti ng pagkalaki-laki. Hayst. Ang gwapo nya talaga. Grabii.
"A-hhm..I-I'm Pau,Paulyn." Sabi ko at nakipagshake-hands. Grave,ang lambot ng kamay nya. Sheemayy! Kinikilig ako! Ngayon lang naman to e. Wala naman sina Jan at Ells.
"Why are you always stuttering?" Tanong nya. Feeling ko,kanina pa ako namumula. Ang kamatis ko na!
"Sino palang kasama mo? Are you alone?" Tanong nya.
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Novela JuvenilWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...