Chapter 7: Magandang ipis

278 11 0
                                    


Khera Mitzy Candice POV

( DEL FUENTE UNIVERSITY )

Kakarating ko palang sa Campus . Hinatid lang muna ako ni Manong driver dahil nga di ko pa nga alam kung saan ang univesity at iniwan pa ako nong bwisit kanina. Transfer student lang kaya ako dito , bagong salta pa , kaya wala talaga akong ka alam alam. I have my own car , but can't use it by my own pa dahil nga WALA AKONG KA ALAM ALAM SA ROTA NG MGA KAILANGAN KONG PUNTAHAN .  Ngayon ko palang din pala nalaman na pareho pala kami nong bwisit na yun na 1st year college student, both taking Bachelor of Science in Business Administration ( BSBA ) here in Del Fuente University( DFU ). And base on what I've observed , sikat dinpala ang lokong yun dito?? Well , sila ba kasi naman ang may ari ng University na to eh. Halos ata lahat ng babae sa Campus na to ay pinapangarap na mapansin ng lalakeng yun? At di ko din gugustuhing maka encounter ang lalakeng yun dito sa campus, madumog pa ako ng mga fan girls nong lokong yun, tch.  Masira pa ang peaceful college life ko , transfer student pa naman ako. At sabi nya pa sakin nong nag breakfast kami, better not to tell anyone about our relationship.... meron ba?.... tsk... Akala nya naman sasabihin ko? Hell no!! Gusto ko kahit dito lang sa school free ako... tsk...

" Em!!.."

Napalingon naman ako nong marinig ko ang sigaw na yun galing sa likuran ko . At di nga ako nagkamali dahil nakita ko agad si Ysa  at Kyled na patakbong papalapit sakin at kasunod si Kelly na nakangiti lang sakin at tumango habang may nakapasak na ear pads sa tenga nya . Pero naka una namang yumakap sakin si Kye dahil mas nauna pa syang nakalapit sakin kesa ni Ysa.

" Buti naman at dito mo naisipan na mag aral , akala ko sa ibang school ka mag aaral ehhh..."

sabi nya habang nakaakbay sakin... ang hilig nya talagang mang akbay...

" Dad's choice, dahil kung ako papapiliin... I still want Japan...."

" Ano ka ba , mag bagong lugar ka naman . Ang tagal mo na kaya sa Japan , dito ka naman . "

Nakangiti nya pang wika. At talagang natutuwa sya na nag transfer ako dito ano? Ang tagal ko na din kasing nawalay sa kanila. Nagkikita lang din kasi kami every makakauwi sila pabalik sa Japan eh. Nabigla naman ako saglit nong mapalayo sakin si Kyled dahil hinila sya ni Ysa palayo sakin. 

" Huy Kelly, ipa Junk mo na nga yang kambal mo na yan nakakainis ehh. "

inis na sabi ni Ysa...

" Makautos ka dyan. Kung ikaw kaya ipa junk ko? "

wika ding pabalik ni Kyled . Ang hilig talaga nilang mag away na dalawa.

" Mitzy?! "

Napalingon naman ulit ako nong marinig kong may tumawag ulit sakin. Tas di pa nga ako tuluyang naka lingon ay nakita ko na yung tatlong kaibigan ni Kye na nasa tabi ko na?

" Buti naman at dito ka rin pala nag aaral. Sana block mates tayo. "

Wika sakin ni Ace, tumango din naman si Phoenix at ngumiti lang si Yuan. At dahil mag kakasama naman kaming lahat ay sabay sabay na naming kinuha ang schedules namin. At don na namin nalaman kung saang block kami na belong . Pareho naman kaming BSBA eh. Ganito siguro dahil pareho naman kaming mag mamana ng kompanya ng mga parents namin.  

At kahit na gusto nila na mag kakasama kami lahat sa iisang block? Di parin nangyare yun dahil may nahiwalay samin. Nahati kasi sa dalawang block ang BSBA at nasa Block B ako, kasama sina Ysa , Kelly , Kyled and Ace . At nasa Block A sina Phoenix at Yuan , and I think kasama si Sky sungit. Sabay sabay naman kaming nag sipunta sa Business Ad Building , pero nagkahiwalay din naman dahil magkahiwalay nga kami ng rooms. 

Yakuza RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon