Chapter 42 : What the h*ll??

159 4 0
                                    


Xaviel Rylex's P. O. V

Where here na ngayon sa *** Airport, yes, nandito na kami ngayon sa pinas. Mula kasi nong malaman ko yung nangyare kay Candice at Claude ay pinakiusapan ko ang mga magulang ko na sana ay pauwiin na nila kami dahil nag aalala na rin ako sa kanila. At kahit pa na sabihin na okay na naman daw sina Candice ay di parin ako mapakali. Lalo na nong malaman ko ang buong detalye. At buti nga pumayag sila, dahil na din naman sa tulong ng isa pang tao na ngayon ay nasa tabi ko na din.

" I can't wait to see them. "

Napalingon naman ako sa kanya nong mag salita sya at saka ako tumango. Nakita ko naman syang humugot ng hinga at halatang parang kinakabahan pa sya.

" You don't need to be nervous. "

" I can't help it, okay? "

Tumango naman ako matapos nyang sabihin yun. Hila hila ko ang mga trolley ng mga maleta namin. Alam kung yan talaga ang mararamdaman nya ngayon dahil sa mga nangyayare na din na pabigla biglaan.

" Anyway, thanks for helping me out with my parents. "

Lumingon naman sya sakin at saka ako tinanguan. Ningitian lang nya ako at saka nag simula ulit na maglakad tas nag salita nang di man lang ako tinitignan.

" No worries, you also did the same thing with my parents. So, let's just call it a quits."

Sabi nya habang tinanggal ang shades nya at saka nilanghap ang sariwang hangin. Sa sobrang daming nangyare sa mga nagdaan na mga buwan. Mukhang ngayon lang ata nag sink-in sa utak ko lahat. Dinagdagan pa tungkol sa nangyare kina Candice. Kung alam ko lang naman pala na mangyayare ang lahat ng to, ay sana di na ako umalis kasama ang mom ko non. And now, I'm still thinking about how I can explain everything that happened to everyone, especially to my brother and Candice. I hope everything goes smoothly with the plan.

Khera Mitzy Candice's P. O. V

( AT THE VILLA DELA VEGA )

Na iinis ako habang nakatingin sa salamin dito lang sa loob ng kwarto ko. Nagmumukha na akong multo dahil dito. Eh, di ba naman kasi ako makatulog? Nang dahil sa mga reklamo ni Claude kagabi? Malay ko ba na bigla-bigla nalang syang aatakihin ng tantrums nya? Pano ba naman, gusto nya na katabi namin si Sky na matulog sa kwato namin?? At kung nalilito kayo? Heto kasi yun, pagkatapos makalabas ni Sky sa ospital ay agad sana syang dumiretso sa Fuentabelia Residence, pero nagulat nalang ako nong makatanggap ako ng tawag galing kay Dad at sinasabing from now on ay dito na daw sakin titira si Sky??? At di naman nag tagal ay may nag door bell nga daw at saka ako hinahanap. Nong makita ko naman kung ano? Ay halos mabitawan ko ang phone ko nong makita ko na ediniliver ang mga gamit ni Sky dito, pati na si Sky isinali din sa pag deliver. At dahil di naman pwede na magkatabi kami matulog dahil marami namang kwarto dito. Kaya tinuro ko nalang yung kwarto sa tapat ng kwarto namin ni Claude at saka agad kong pinalinis sa katulong.

At yun nga, nong gabi naman non ay agad inatake si Claude ng tantrums nya kaya yun ang nangyare. Nakatulog si Sky sa loob ng kwarto namin at katabi kami ni Claude. Pero syempre, nasa gitna namin ang bata. Gusto nya eh. At tulad nga nong una naming ganito? Ay wala na naman akong tulog. Si Claude nalang pala ang natutulog ngayon dahil nasa labas na si Sky at bumalik na sa kwarto nya. Di pa ako naliligo dahil ang plano ko talaga ay bumalik sa pag tulog dahil wala nga akong tulog. At nong nag simula na akong mag lakad pabalik sa kama ko para sana humiga ulit. Ay bigla-bigla namang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Saka naman to bumukas at iniluwa non si Sky na nakaligo na pala. Bihis na bihis na sya eh. At ako naman? Heto at napahinto sa pag akyat sana sa kama.

Yakuza RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon