Empress Khera Mitzy Candice P. O. V
I, Empress Khera Mitzy Candice Minamoto Mukami, vow to end the war with the Hadashi Empire for the sake of my loved ones, allies, and comrades.
...........
Nandito kami ngayong lima at nasa kanya kanya naming mga pwesto. Kung saan lang naman kami komportable, at kung saan masasabi naming ligtas para sa amin. Nandito lang din kami sa pwesto kung saan kitang kita namin sa di kalayuan sina Mikutso. Nasasayahan pa nga kami habang nakikita namin sina Mikutso at Jena na nagwawala. Linyahan pa nga kanina ni Xyriel... " Nagwawalang mga unggoy na nakatakas sa zoo. " ... daw kamo. Kasi naman eh, di naman kasi marunong mag tago ng galit, ayan tuloy at bulgaran at lantad na lantad, tsk. Kung magalit naman kasi agad pa humihingos yung mga ilong. Pinag iinitan pa naman sila ni Xyriel kanina pa. Natawag tuloy na Gorilla si Mikutso, at Anthropoid Ape si Jena. Ayaw ko sanang matawa, pero talagang nakakatawa naman kasi talaga!
At heto nga... nag aabang lang naman kami dito at nag hahanda, habang nag hihintay ng tamang oras para umatake.
"What now?! I thought the plane you were talking about was on its way here. Did I see any plane coming here? Isn't there nothing??! Fix what you're doing right now, you useless sh*ts!! ."
Kanina pa nila pinoproblema ang sinasabi nilang plane na syang kukuha sa kanila . Nong una... ay nag tataka nga din kami kung bakit wala pa ring plane na nakakarating dito, at dahil nakikinig lang kami sa kanila ay saka ko pa napag tanto na kagagawan pala ng mga Primes ng tatlong Empire yun. Buti naman at nagkakaunawaan na ang tatlong malalaking Empires ng Yakuza At nag papasalamat din ako kina Mommy at Daddy dahil tinupad nila ang hiling ko. Natutuwa ako dahil umaayon ang lahat sa plano ko. Nakita kong may isang nag bibigay sa kanya ng impormasyon at bago pa nya tuluyang maibigay ang lahat ng impormasyong alam nya ay sininyasan ko na agad si Xy kung ano ang gagawin.
"From the information I found, the Primos of the three Empires did the hanging of our planes. I also have important information found dear Prime that you need to know immediately... everyone is--------ugh!!"
" Aaaaahhh!!!.."
Nakita kong napasigaw pa si Jena dahil sa gulat . Nong pinatahimik agad ni Xy ang lalakeng yun , naipag dasal na naman siguro ni Xy ang kalukuwa non. Tinapunan lang naman kasi ni Xy ng dagger ang lalakeng yun at deritso sapul sa noo. Kaya patay agad.Nakita ko namang nag thumbs up sakin si Xy . Pero parang di pa ata sya nakuntento na makitang sumigaw lang si Jena. Dahil nag tapon pa ulit sya ng tatlong shuriken at talagang sapul na sapul ang tatlong bantay na nakapalibot kay Jena. Kaya ano pang nangyari? Ayun ang kawawang Jena na nasobrahan ata sa ka O.A han nya at di lang nag sisigaw, pati talon o ano pa ang ginagawa nya... may pakapit kapit pa sya kay Mikutso na kita ko namang naiinis na sa kanya. Napalingon ulit ako kay Xy na nakatago lang din katulad ko sa kabila lang ng niyog na pinag tataguan ko. At sobrang tuwa ng babae , naka evil smile pa kamo. Pinag iinitan nya talaga ng husto ang kawawang Jena .
" Get off!! "
Rinig kong sigaw ni Mikutso kaya napalingon kami ni Xy ng sabay , at nakita ko naman na tinulak ni Mikutso palayo sa kanya ang nakapulupot sanang si Jena . At dahil nga sa sigaw at tulak nito , kaya napaayos sya ng tayo pati mga tauhan nila ehh...
" Find whoever the bastard is playing with me right now!! Scram morons!! "
Dahil sa gulat ng pagsigaw ni Mikutso ay agad napatakbo ang mga tauhan nya. Ngunit agad akong napatingin kay Xy na parang naghahanda na rin. At saka kami nag sitanguan, naka signal na rin sya sa iba. Tanging sign ko nalang ang kulang . Kaya naman ay nauna na akong lumabas sa pinag tataguan ko.
BINABASA MO ANG
Yakuza Royalties
ActionRunning away from home just to escape from an arranged marriage. But still, nothing changed . They still found out where I was hiding. I meet this Stormy guy. Super Sungit, kala mo naman lagi nalang nag P-PM at Super Cold pa. Parang pinagl...