Samantha Lovelle's P. O. V
It's already morning since that freak*n dawn passed by and since we rescued Em from the Belandres twins. And yeah, sobrang dami ng nangyare kagabi, di lang siguro ata kagabi kundi idagdag na rin yung one-week naming pag hahanap kung saan man location ni Em at ni Claude. And until now, di pa rin nagigising si Em. Kaya kami na muna ang nag aasikaso kay Claude. He's with the boys at kami namang girls ay may kanya kanyang ginagawa na din. Nag hahanda ako sa kusina at tinutulungan ang mga maids ni Em dito. Opo, nandito kami lahat sa Villa Dela Vega. Sabi kasi ni Tito Seiji ay dito muna kami mag stay until maging okay na ang lahat. Inasikaso narin nila ang mga nangyare. Syempre omoo nalang kami, dahil nakakatakot si Tito Seiji non eh. Nag iisang anak at apo ba naman nya ang nawawala?? Kaya until now ay wala pa kaming balita kung ano man ang nangyayare sa labas. Inutusan lang kami na mag bantay muna dito sa Villa, kina Em at Baby Claude. Wala naman kaming problema kay Em dahil tulog pa sya hanggang ngayon, napagod ata talaga sa nangyare kagabi sa kanya. Dami ba naman napatumba nong magandang brutal?? Pati nga si Shuri at Shuu natakot sa kanya eh. Ang kambal na Hirakana ay syang nag babantay kay Em pala sa taas.
" Baby Claude may dala ako sayo oh. Burger gusto mo? "
" Wag ka dyan sa Tito Ace mo. Dito ka sakin oh, masarap tong gummies na dala ko. Dito ka kay Tito Phoenix, lapit ka na dali. "
" Huy! Anong gummies? Umagang umaga papakainin mo ng gummies yung bata? Burger dapat nyang kainin. Kaya ikaw baby, wag ka kay Tito Nix mo, kay Tito Ace ka lapit. Lablab kita. "
Narinig ko na ang pag aaway nina Nix at Ace sa may living room. Kahit na nasa kusina ako ngayon, ay rinig na rinig ko parin. Kaya napalait na ako don para tignan kung ano ang nangyayare. At mukhang di lang ata ako ang nakarinig ng mala megaphone nilang boses. Dahil pati sina Ysa at Cess na nag aayos sana ng kotse garage. Inaayos din kasi ni Ysa ang technology at gadgets sa mga sasakyan na magagamit namin. Medyo marunong kasi sya about don dahil tinuruan sya ni Kyled at Kelly non. Gusto nya din kasi, habang si Cess naman. Expert yun pagdating sa kotse at ano pang sasakyan. May pagka arte man yun tignan pero wala salitang arte para sa kanya pag dating sa mga kotse at motor nya.
Tignan nyo nga, nasa labas na ang dalawang to tas dinig parin nila ang ingay sa living room? Nakita ko naman si Kelly kasama si Kyled na may dalang laptop. Mukhang may inaasikaso ang dalawa at sa tingin ko ay nasa computer room sana ang dalawang to.
" What's the problem here? "
Kelly asked. Kay napatigil ang dalawa sa pag aalitan. Nasa gitna nila nakaupo si Baby Claude na halata nang naguguluhan sa dalawa. Nasa magkabilang side ba naman kasi nya nag aalitan??
" Wala bang sasagot sa inyo? "
Nag simula nang mag tanong si Cess. Mukhang nainis na din sya.
" Busy ako don sa labas, tas bigla bigla ko nalang maririnig ang malalakas nyong boses. Nakakarindi kayo ah. "
" Ano ba kasi ang nangyare? Sige, wag kayong sumagot malilintikan kayo sakin."
Warning naman ni Ysa. Mukha namang natakot ang dalawa kaya mag sasalita na sana sila.
" They wanted the kid to eat the foods they offered. "
Pero inunahan to ni Yuan mag salita habang naglalakad papunta sa likuran ng sofa kung saan nakaupo ang dalawa kasama si Claude na nasa gitna. Nagulat naman kami lahat nong kinuha ni Yuan si Claude galing sa likuran, na ikinabigla naman ng bata. Gulat na napatingin sa kanya eh.
BINABASA MO ANG
Yakuza Royalties
ActionRunning away from home just to escape from an arranged marriage. But still, nothing changed . They still found out where I was hiding. I meet this Stormy guy. Super Sungit, kala mo naman lagi nalang nag P-PM at Super Cold pa. Parang pinagl...