Yzus Xania's POV
"...And for my final blow..."
I whispered and pressed the black button.
Tumatakbo sila patungo sa pinto. Kusang nagbukas ang pinto na ikinatigil nila.
Sabay na nanlaki ang mga mata nila ng sunod-sunod na nagsilipiran sa direksyon nila ang mga tinidor at kutsilyo.
Sabay-sabay nila itong iniwasan. May ritmo nila itong iniiwasan.
Si Josh na patungo sa dibdib nya ang tinidor ay naiwasan nya sa pamamagitan ng pagliyad. Ngunit may isa pang patungo sa balikat nya at walang kahirap-hirap nya itong naiwasan.
Si Khent na naiwasan ang maliit na kutsilyo sa gawing gilid nya at mabilis ring nakailag agad sa tatlong tinidor na tatarak sana sa dibdib nya.
Si Allen naman ay mabilis na sinangga ang mga paparating na tinidor at kutsilyo gamit ang metal watch nya. Ngunit may sinangga syang tinidor at hindi namalayan ang isang munting kutsilyo patungo sa binti. O sadyang mabilis ang reflexes at mga mata nya para maiwasan pa iyon.
Binaling ko ang tingin ko kay Shin.
Nakakabilib ang mga galaw nya. Balewala nyang iniiwasan ang mga paparating sa kanya. Gamit ang mga daliri nya ay parang iniiba lang nito ang direksyon ng mga tinidor at kutsilyo...o mas magandang sabihin na tinutulak ng mga daliri nya ang mga ito sa direksyong walang matatamaan.
Nakakabilib din ang pagsalo nya ng malaking kutsilyo gamit ang dalawang daliri lamang.
At wala ng iba pang lumilipad na kutsilyo at tinidor.
Tumingin naman sya sa direksyon ko. Saka nagsmirk. Tinapon nya ang kutsilyo palayo.
Walang kurap-kurap na nakatitig lang ako sa kanya.
Gano ka kaya kalakas Shin Kyle Acosta.
Sabi ko sa isip ko at pinindot ang White button.I smirked at him.
Sabay na nagliparan ang apat na pamaypay sa kanila. Sabay naman nila itong sinalo at sabay pang namaypay na nakatingin sa akin ng pang-asar.
Ngumisi ako.
'wrong move'
3
2
1
Sabay na lumabas ang mga karayom sa pamaypay.
"Aww sh*t! tangna!!!!!"
-Khent"Ahhh!!! Aray Peste!"
-Josh"F*ck this SH*T! I'LL KILL YOU B*TCH!!!"
-Shin Kyle"Tengene! A-aray!"
-AllenNagsimula na akong maglakad papasok habang nagmumura pa nilang tinatanggal ang mga maliliit na karayom sa mga mukha nila.
Dahil sa pwersa ng hangin at pag paypay nila ay tumapon ang mga karayom sa mga mukha nila.
Maliliit lang naman iyon kaya walang pinsala.
Sabado ngayon kaya wala na yung mga natamo nila sa lunes.
Bumaba ako ng hagdan at tinungo ang living room.
Nakita ko silang ginagamot ang mga mukha nilang naturukan ng mga karayom.
Ang pangit nila..hahaha...
Tumayo lang ako sa harapan nila at pinanood. Yung first aid kit ko ay paniguradong kinuha lang nila Basta sa cabinet ng kitchen.
Feeling at home sila eh.

BINABASA MO ANG
YuXa: The X Leader [ON HOLD]
ActionShe is a bitch! Her bitchness will give you hell! She has Her "Bitch Levels" and "Bitchy levels" She has secrets! She is... Yzus Xania Fortalejo Ang babaeng ubod ng sungit at maldita. A transferee student from Fortalejo Academy. Inaban...