Chapter 50 - Unveiling Mask with the Vengeance

230 16 0
                                    


(My POV)


Sa Gangster's Arena kung saan puno ng hiyawan ang lahat sa naglalaban sa loob ng ring at kung paano nilampaso ng isang babae ang sampung ka-tao. Naka-suot itong black jeggings at bra on top.

Hindi makikita ang mukha nito dahil ito'y naka-suot ng maskarang itim with a bloodshed petals printed.

Inilabas nito ang baril at isa-isang pinatamaan ng bala ang mga kalaban na tuluyang nagpahiyaw sa mga nanonood.

Mayabang nitong itinaas ang baril at tatlong putok ang pinakawalan.

Hinablot nito ang mic mula sa emcee saka sinipa nito ang mukha.

"Roses may seem pretty but still dangerous. I WANT YOU TO CALL ME... THORNDRA! No one should messes out with me or you will be dead instantly."

"I am the only one who will decide for your death... YuXa"

***

(Yzus Xania's POV)

Papatulog pa lang ako ng makatanggap ao ng mensahe na nagmumula sa Gangster's arena.

Isang babae na mukhang naghahamon sa kin. Thorndra.

What a disgusting name.

Lumabas ako ng balcony at nagpahangin.

Ngunit ayun sa mensaheng binigay ni Bryle, naka-suot daw iyon ng itim na maskara na may kulay dugong petals ng rosas.

Ang maskarang iyon.

.

.

.

.

.

H-Hindi ako pwedeng magkamali...

[Flashback]

"Hihihi, mommy will surely love this."

Masayang saad ko sa aking sarili habang patungo sa kwarto ni mommy dala-dala ang isang bulaklak.

Ngunit napahinto ako ng may isang babae ang lumabas mula sa kwarto ni mommy.

Sa pangangatawan nito ay mukhang teenager na.

Naka-suot ito ng itim na masakara ngunit may dating ito dahil may naka-imprentang mga petals na pula.

Ang ganda.

"Ano gawa mo sa room ni mommy?"

Tanong ko rito. Ngumiti sya at lumapit sa akin. Lumuhod sya sa harap ko para magkapantay kami.

"Binisita ko lang ang mommy mo. Malala na pala ang sakit n'ya."

Napatitig ako sa maskara nya. Ang amo nyang magsalita.

Tumingala ako ng tumayo sya.

"H'wag kang sumunod sa kanya agad ah. Ako ang magde-desisyon kung kailan ka susunod sa mommy mo"

"Bakit po?"

She patted my head.

"Secret."

Umalis syang hindi ko naiintindihan ang mga sinabi nya kaya pumasok na ako ng room ni mommy.

At nakitang naghihingalo si mommy.

[END OF FLASHBACK]

Everything started there.

Noon din ako unang namangha sa maskara.

Hindi namatay si mom sa sakit n'ya. Hindi ko alam kung anong ginawa ng babaeng iyon at namatay si mommy.

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon