Chapter 54 - Unveiling Mask with the Vengeance

215 21 1
                                    


(Yzus Xania's POV)



Matapos kong hinatid ang mag-kambal sa school ay dumeretso muna akong mall at tumambay. Suspended nga ako diba.

Kumain ako saglit sa isang fastfood chain at naglibot. At sa paglilibot ko ay may nahagip ang mga mata ko.

It's Xynder. Kahit nakatalikod ay kilala ko ito. May kasama syang babae kung saan nakapulupot ang mga braso nya sa baywang nito.

Naglalakad sila palayo kaya agad kong sinundan.

Hindi ko alam pero pamilyar sa akin ang hubog ng katawan ng babae pero di ko mapagtanto kung sino.

Nagmadali ako dahil iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon. Pero putragis!

Kung kailan nagmamadali ako saka pa may bumunggo sa akin.

"Look were you walk @ssh*le!"

Singhal ko at naglakad muli ngunit di ko na sila makita.

Damn it!

"Xania?"

Naramdaman kong hinablot nito ang braso ko at pagharap ay nakita ko lang naman ang tangang si Zedrick.

"Sorry for bumping on you."

I rolled my eyes. So sya ang may kasalanan kung bakit nawala sa paningin ko si Xynder at ang girlfriend nito.

Hindi ko na sya pinansin at naglakad nalang paalis. Pero sinundan naman nya ako at nagsimula ng magdaldal.

"Xania, date tayo. Ang ganda nga eh at pinagtagpo tayo ng tadhana kaya wag natin itong sayangin at mag-enjoy nalang tayo. Let's watch movie o di kaya'y kain muna tayo. Tapos kana bang kumain? O gutom kaba? Teka, tabi tayo. Ang daming nakatingin sa'yo. Kunin ko mga mata nila eh."

Huminto ako at hinarap sya. Tiningnan ko sya ng matalim.

"Ba't ba ang daldal mo?"

Napakamot sya ng batok.

"Ewan? Ba't nga ba?"

Inirapan ko sya at iniwan. Ang malas ko naman at nakita pa ako ng lalaking ito.

Naramdaman ko agad ang pagtabi nya sa akin.

"Xania, narinig ko ang chismisan nung apat na pangit nung isang araw."

Sabi nya ngunit di ko sya pinagtuunan ng pansin. Batid kong pabalik-balik ang tingin nya sa akin. Alam kong sina Shin ang tinutukoy nya.

"A-ano...ahm, Ikakasal kana daw? Kanino? Sino? Tao ba? Baka kasi mukhang unggoy. Wag kang pakasal dun dahil alam kong pangit sya at ako lang naman ang gwapo sa mundo at ayokong mabigyan ng pangit na kapatid ang mga anak ko. Dapat yung katulad nilang maganda at gwapo na maraming nagka-kras sa kanila."

Hindi ko sya pinansin at patuloy lang sya sa pagsunod at pagdada. Nagtungo ako ng mabilis sa parking lot at nagbabaka-sakaling makita sila.

Ngunit bigo ako. Wala akong nakita at kung di pa nakaalis ay baka nasa loob pa rin ng mall.

"Ang bilis mo namang maglakad."

Inis kong nilingon sib Zed.

"Ba't ka ba sunod ng sunod? At pwede? Tigilan mo na yang kadaldalan mo. Kalalaki mong tao, para kang manok na putak ng putak."

"Hala ang sakit nun ah. Bakit mo ako kinukumpara sa manok eh gwapo ako. Tsaka, magde-date tayo noh."

Sagot nya na lalong nagpaasar sa akin kaya iniwan ko sya at sumakay ng kotse.

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon