Chapter Eighteen

182 15 0
                                    

Gel Xandra's POV

"How's the plan?"

Agad kong tanong sa kanya dito sa loob ng kotse ko.

"Still on the process, but sooner or later magagawa na ang plano."

Tumango lang ako at pinalabas na sya ng kotse ko.

Inabot ko ang phone at nagdial ng number.

"Kamusta sya?"

agad kong bungad sa pagsagot  nito.

"Okay lang sya. Nasasanay na rin siguro sya."

Ngumiti ako at sumeryoso.

"You know that's not i want you to say.."

"Then what? agad mo syang kinamusta pero ako hindi."

Nahimigan ko ang pagtatampo sa boses nya kaya lumamlam ang mata ko.

"I'm sorry, I love you."

"I love you too."

Mabilis nyang sagot na ikana-ngiti ko.
Pinapakilig talaga ako nito.

***

Yzus Xania's POV

Nagkanda-ugaga ako dito sa coffee shop dahil sa dami ng costumer..

Kanina pa ako pabalik-balik.

Grabe, ano to? Restaurant? Tss.

Palibhasa  malapit lang ito sa hospital.

Alas-dos na ng madaling araw ako natapos dahil nag-over time ako ng 2 hrs.

Sobrang pagod ko na.

Lumabas na ako ng Coffee shop.

Tokneneng! First time kong umuwi ng madaling araw.

Naglakad ako papuntang sakayan ng may biglang may bumusina sa likod ko.

"Anak ng!"

asar kong tiningnan ang kotse.

Huminto ito sa tapat ko na ikinagulat ko.

Bumukas ang bintana ng likurang bahagi ng kotse at iniluwa ang tatlong ulo.

"Hello Lady Dragon!!!"

Sabay nilang  sigaw nina Allen at Khent.

Nanlaki ang  mga mata ko.
"Anong ginagawa nyo dito?"

"Sinusundo ka!"
sabay na naman sila.

Bumukas naman ang bintana ng unahang bahagi ng kotse sa driver's seat.

"What? Are you gonna stay there all night?"

Aburido at masungit na sabi sa akin ni Shin.
Inirapan ko naman sya at pumasok agad sa passenger's seat.

"Ba't nyo ko sinundo?"

"Kasi madaling araw na."
mabilis na sagot ni Allen

Ngayon ko lang napansin na nakapantulog silang lahat.

"Patulog pa ba kayo ng nagpasya kayong sunduin ako?"

tanong ko.

"Hindi. Tulog kami ng gisingin kami ni Kyle para sunduin ka."

sagot ni Khent.

Si Josh naman ay tahimik lang na nakikinig..

Napatingin naman ako kay Shin.
Seryoso lang sya sa pagda-drive.

Tumahimik ako at tumingin sa labas.

I feel their concern lalo  na si Shin. Alam kong napapalapit na ang loob ko sa kanila sa ilang araw pa lang. Pero di ko alam kung hahayaan ko ba silang makapasok sa buhay ko---nakapasok na nga pala sa buhay ko.

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon