Chapter Twenty Seven

177 17 1
                                    

Yzus Xania's POV

Pagkarating ng school ay natanaw ko agad ang Six Rays kausap ang tatlong babae na asar na asar ang mga mukha.

Napa-iling-iling na lang ako dahil paniguradong nagtatanga-tangahan na naman sila kaya ganun ang itsura ng tatlong babae.

Six Rays, para sa akin ay nasa kanila ang tunay na ibig sabihin ng mapanlinlang. Nagtatanga-tangahan pero pag kayo nagka-atraso...beware, Paniguradong tatambangan kayo ng mga yan after class.

They can kill also, mind you.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero may isang tanga naman ang nagbigay sa akin ng malas.

Nabunggo ako at natapunan pa ng dala nitong juice.
Nice, heto na nama tayo sa pagiging cliche ng story.

Binigyan ko naman ng masamang tingin ang tangang bumunggo sa akin.

"IKAW??!!"

malakas nitong sigaw sa mukha ko na ikinakuha nya ng atensyon ng mga estudyante malapit sa amin.

Napapikit naman ako sa inis.

Anak ng madada naman, oo.

"Hoy! diba ikaw yung si Dragon? Tama ako. Hoy, dragon ..may utang ka pa sa akin! Bayaran mo 'yung sapatos ko na tinapon! Mahal 'yun kaya bilis, ilabas mo na ang pambayad! siguro pinagtataguan mo'ko kaya hindi kita mahagilap sa park tsaka sa labas ng mansion mo!"

Napaikot nalang ako ng mata.
Ba't ba sobrang daldal ang isang ito? Ang sarap paduguin ang ilong.

"Wala akong pera kaya pwede ba ha?"
Asar kong sambit saka sya nilagpasan pero ang gago sumunod, hinarangan pa ako.

"Wag mokong pinagloloko babae. Sa mansion ka nakatira tapos wala kang pambayad? Ay, that's a no, no, no to me! Talk to my butt!"

Litanya nya saka hinarap sa akin ang butt nya.

Ako naman ay napakurap-kurap dahil dun.

Just what the heck?

Oh, damn this crazy guy!

Hindi ko nalang sya pinansin at nilagpasan syang muli.

"Hoy, dragon. Ang utang ay binabayaran, hindi tinatakbuhan!"

Pahayag nya ng nakasunod sa akin. Nakakarindi talaga ang boses nya. Argh!

"Kung may konsensya ka pa dragon, bayaran mo na ang pinsalang nagawa mo. Well, alam kong wala ka talagang konsensya pero ang Pera, meron ka nun alam ko. madamot ka lang talaga at hindi mapagbigay sa kapwa. Hindi naman ako nanghihingi pero may nagawa kang mali sa akin kaya dapat mong bayar---Hoy! Ang bastos mo dragon! Lumabas ka jan! Kinakausap pa kita!"

sigaw nya sabay kalampag ng pinto ng Restroom na pinasukan ko. Gigil naman akong pumasok ng cubicle saka nagbihis.

Pasalamat sya at may dala akong extra shirt kaya hindi ko sya matatadyakan. Nang matapos ay agad  na akong lumabas ng restroom pero ang damuho ay naghintay talaga sa labas.

"Hoy dragon! Bakit di ka man lang nagbigay ng signal na girl's restroom na pala ang kinakalampag ko? Napagkamalan pa tuloy akong manyak at mambubuso."

saad nya pero inikutan ko lang sya ng mata saka sya nilagpasan.

"Ay hoy, teka! Utang mo nga pala."

"Sabi ng wala akong pera saka wala akong utang sayo gago!"

"Anong wala? Ipapaalala ko lang sayo dragon na  tinapon mo lang naman ang kapares ng sapatos ko na sobrang mahal tapos sasabihin mong wala kang utang?"

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon