My POV
Kasalukuyang nakatulala si Shin Kyle Sa kabilang balcony na katabi lang ng kanyang tinutulugan.
Napahawak sya sa gawing dibdib nya at nilamukos ito.
Hindi nya mawari ang naramdamang sakit sa puso ng makitang umiiyak ng tahimik ang dalaga sa kabilang balcony.
Ramdam na ramdam nya ang sakit na nilabas nito.
Parang inipon lang nito ang lahat ng sakit at ngayon lang sumabog na hangang pati sya ay naapektuhan.
Nasasaktan sya sa nakikita, pero kung bakit ay di nya alam.
"Bakit?"
"Bakit?"
"Bakit?"
Umiiyak na sabi ng dalaga at bakas sa boses nito ang sobrang sakit sa bawat pagsambit ng salitang iisa lang din naman.
"Ba-kit?"
Lalong dinurog ang puso nya ng magsimula na itong humikbi.
Umiwas sya ng tingin pero rinig nya ang hikbi nito.
Gusto nyang pumasok sa loob pero parang ayaw nya.Hindi nya maintindihan ang sarili. Ayaw nya ang nakikita nya ngayon. Nakakaramdam sya ng sakit sa twing tutulo ang mga luha nito.
"A-nong..ma-li? Ba--Bakit?"
Gigil at humihikbi na tanong ng dalaga sa kawalan.
Napatitig sya sa dalaga at ikinuyom ang mga kamao para pigilan ang sariling maluha pero kusa itong tumulo.
Sobra syang nadala sa sakit na nararamdaman ng dalaga.
Di na nya kinaya pa at pumasok na sya sa loob.
Habang ang dalaga ay patuloy na inilalabas ang sakit na kinimkim nya. Pero parang wala itong katapusan dahil kada pumapasok sa isipan nya ang lahat ng pangyayaring naganap sa pang-iiwan sa kanya ay parang nadagdagan pa ang sakit na ididulot niyon.
Sakit na idinulot ng mga taong mahal nya sa buhay.
Ang mga taong pinagkatiwalaan nyang hindi sya iiwan pero heto ngayon...umiiyak syang nag-iisa.
Na parang ang dali lang nila itong iwan.
Sya na nga ang sinisisi sa pagkamatay ng ina nito pero sya pa ang iniiwan.
Di nya maiwasang isipin na baka sya nga talaga ang dahilan kung bakit namatay ang mommy niya.
Kaya lahat nalang iniiwan sya.Pero napatuwid sya ng tayo dahil sa gulat ng may yumakap sa kanya mula sa likod.
*dug*
*dug*
*dug*
"Cry...with someone beside you."
bulong nito sa kanya na ikinatunaw ng puso nya at kasabay nun ang paghagulgul ng iyak nito.
Si Shin Kyle na nakayakap lang sa likod nya ay di na napigilan ang pagragasa ng mga luha.
'Ang sakit mong tingnan.'
anito sa isip na hinigpitan ang yakap sa dalaga.
Ilang minuto ay humina na ang mga hikbi nito.
Pero kung akala nya ay napagod na ito...hindi.
Kumawala ito sa yakap at pumasok sa loob.
Akala nya ay matutulog na ito pero hindi ulit.
Nanlaki ang mga mata nya ng pinagkukuha nito ang kahit anong bagay at pinagbabato ito palabas ng balcony.
Gigil na gigil ito na animoy inilalabas lahat ng galit.
BINABASA MO ANG
YuXa: The X Leader [ON HOLD]
AksiyonShe is a bitch! Her bitchness will give you hell! She has Her "Bitch Levels" and "Bitchy levels" She has secrets! She is... Yzus Xania Fortalejo Ang babaeng ubod ng sungit at maldita. A transferee student from Fortalejo Academy. Inaban...