Chapter Seventeen

188 16 0
                                    

Yzus Xania's POV

Nasa faculty na naman kami ngayon ni Shin dahil dito namin hihintayin ang bagong schoolmate namin para i-tour.

Usap-usapan nga pala sa buong campus ang ginawang pambubugbog ng grupo ni Shin sa grupo nina Brix at Brianna.

At sabi naman nina Allen sa akin na wag na daw ako mag-alala dahil naturuan na nila ng leksyon sina Brix kaya nadala na daw yun.

Oh edi mabuti...

Napalingon kami sa pinto ng bumukas ito at iniluwa ang isang lalaki na...

Pucha! Ang Gwapo!

"Tss."

rinig ko sa katabi ko pero di ko na pinansin at sinundan lang ng tingin ang gwapong lalaki na naglalakad patungo sa table ng teacher namin.

Sana pala dun nalang kami naupo sa chair katapat ng table ni Ms. Tan at hindi dito sa sofa.

Kaya siguro pinapa-tour ito ni ms. tan dahil gwapo. Swerte ko naman! hahaha...

Tumayo si Ms. Tan.

"Okay mr. Saavedra, I'd like you to meet Mr. Shin Kyle Acosta and Ms. Yzus Xania Fortalejo. They will be the one to tour you around."

Pakilala ni ms. sa amin.Tumayo naman kami at nakipag-kamay.

Pwede mangisay?

Kinikilig ang tyan ko.

"I'm Shuihan Aeneas by the way."

Pakilala nya at ngumiti.

Bra't Panty ko nalaglag!
Ang Gwapo!

"Nice to meet you."

Uy, ang bait ko hahaha...

"Tss."

And he hissed again.

Problema ng isang ito.

Sabay naman kaming tatlo na lumabas ng faculty.

At inilibot namin sya sa Campus.
Ako lang ata ang tourguide ngayon dahil sa wala man lang ginawa si Shin at sunod lang ng sunod.

Okay lang..hahaha..lumalandot ako eh.

"At eto naman ay...eh?"

May isang malaking pinto ang nasa tapat namin.

Ngayon pa lang ako nakarating dito kaya di ko alam ang nasa loob nun.

kinulbit ko naman si Shin.

"Ano to?"

Tanong ko.

"Di mo alam?"

Tanong naman ni Shae sa akin. Nickname nya daw Shae eh.

Umiling ako.

"Baguhan lang din ako dito..hahaha..."

"Oh hahahha.."

"Library."

Yun lang at iniwan na kami ni Shin. loko yun ah.

sabay naman naming tiningnan ni Shae ang malaking pinto.

"Seriously?"

sabay naming sambit at natawa..

Okay, about sa library...hindi mukhang library ang pinto..Nakakatakot ang pinto para maging library. May pumapasok ba dito?

Nakita naman namin ang isang librarian na lumapit sa pinto saka binuksan ito.
At pagbukas ay sabay kaming napanganga..

Lintek sa ganda naman ang loob.

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon