Yzus Xania's POV
Nagmulat ako at sumalubong sa akin ang sinag ng araw kaya napapikit ako.
Tiningnan ko ang oras at 9:25 na.
Napabangon ako at agad nagtungo sa banyo.
'Sh*t late ako sa trabaho.'
Matapos mag-ayos ay dali-dali akong bumaba.
Napahinto ako ng makita kong parang ang seryoso ng pinag-uusapan nung apat s living room kaya dahan-dahan akong lumapit.
"Anong pinag-uusapan nyo?"
Agad kong tanong na ikinagulat nila.
Agad namang lumapit sa akin si Josh.
"Lady dragon, okay ka na ba?"
Hindi ko sya pinansin at binalingan ko si Shin.
"Anong pinag-uusapan nyo?"
ulit kong tanong at tiningnan sya ng seryoso.
Tinitigan pa muna nya ako saka nagsalita.
"May nakita kaming pigura ng tao ang bumaba galing sa balcony ng kwarto mo."
diretso nyang sabi kaya napakunot naman ang noo ko.
"Ano?"
"Ganito kasi. Nung lumabas na kami sa kwarto mo ay dumeretso kami sa kwartong tinulugan ni Kyle na katabi ng iyo lang. Saktong sa balcony kami dumeretso kaya nakita namin ang taong puro itim ang suot na kakababa lang galing sa balcony ng kwarto mo saka mabilis na tumakbo. Pinuntuhan ka namin sa kwarto mo pero tulog na tulog ka naman. Kilala mo ba kung sino yun Lady Dragon?"
kwento at pagtatanong Allen.
Naguguluhan ko naman silang tiningnan.
Sino yun? Anong kailangan nya?
"May ninakaw ba?"
"Ganun pa rin naman ang ayos at kalat ng kwarto mo nung umalis kami."
Kibit-balikat na sagot ni khent.
'Sweet Dreams.......Yzus ko.'
Pero imposibleng sya iyon. Alam kong panaginip lang iyon.
"Anyway, san ang balak mo lady dragon?"
-JoshInirapan ko lang sya at umalis na.
"Lady Dragon!!! Day off mo ngayon di ba?"
Pahabol ni Josh kaya napahinto naman ako.
Letse. oo nga pala. nakalimutan ko.
Peste! pahiya ako.
Mabuti pa mag-mall nalang.
Dumeretso nga ako sa mall at nag-ikot lang dun.
Wala akong pera para bumili ng kung ano.
Ba't kasi nakalimutan kong day off ko ngayon, napasubo tuloy ako.
Ilang minuto ay umuwi na ako. Madami akong kalat sa kwarto kaya maglilinis ako.
Pagdating sa bahay isa lang ang naabutan ko.
"Asan yung iba?"
Tanong ko kay Shin na nagbabasa sa living room.
Nagkibit-balikat lang sya at di ako tinapunan ng tingin.
Asar ko namang kinuha ang sofa pillow at binato ito sa kanya...
hindi nasapol ang gago.
Nakaiwas sya at tuloy lang sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
YuXa: The X Leader [ON HOLD]
AçãoShe is a bitch! Her bitchness will give you hell! She has Her "Bitch Levels" and "Bitchy levels" She has secrets! She is... Yzus Xania Fortalejo Ang babaeng ubod ng sungit at maldita. A transferee student from Fortalejo Academy. Inaban...