Chapter 59 - Unveiling Mask with the Vengeance

127 8 7
                                    

Yzus Xania's POV

Nakausap ko na ang ibang leaders at tulad ng inaasahan ko, wala ni isang pumayag. Hindi basta-basta ang hinihingi ni Thorndra. Kapag ipagpipilitan kong makuha ang mga bagay na iyon ay mas lalong manganganib ang mga buhay namin dahil ang mga kasamahan ko na ang magiging kalaban ko. Mas malala, mas nakakatakot. I know how cruel each leader, I know how ruthless leaders are. Of course, I'm one of them.

Tatlong araw na ang lumipas ngunit wala pa rin akong natatanggap na tawag mula kay Leah Rose. Bwisit na babaeng iyon.

Nag-update na rin ang ibang miyembro ng Zionyshade sakin. Nagtatago ang magaling na si Xandra dahil hindi na daw pumapasok sa University.

Ang paghahanap naman ng iba kay Leah Rose ay palaging palpak. Palaging namamataan ang ibang miyembro nya sa Syudad ngunit palaging nakakawala sa paningin.

Pinaglalaruan nya ako. Pwes kung ayaw nyang tawagan ako, Ako ang maghahanap ng paraan para gawin nga 'yon.

Madali Kong kinuha ang susi ng kotse at umalis. Pupunta ako sa address na ibinigay ni Daddy. The time he told me the whole story and started helping me, I started calling him dad. I forgive but do not forget.

Inihinto ko ang kotse at tiningnan ang bahay. Big and hunted 😑 where the mother witch lure.

Wala akong inaksyang oras at agad bumaba ng kotse na nakapwesto sa lugar na hindi naaabot ng CCTV. I have to stay in the blind spot kung ayaw kong may makatunog. Sa tulong ni dad na itinuro sa'kin kung saan-saan ang mga ito.

Tumakbo ako at inakyat ang puno malapit sa pader. Tiningnan ko ang paligid at tumalon sa may pader at tahimik na naglanding sa loob.

Dere-deretso akong tumakbo papasok. Naririnig ko ang boses nyang nag-uutos sa mga katulong. Napangisi ako. Ngayon wala ka ng kawala.

Lumabas ako sa aking pinagkukublian at naglakad palapit sa kung nasaan ang boses nya.

"Well, well, well... If it's not the great step mom of mine."

Gulat syang napalingon sa gawi ko.

"What are you doing here Xania? Paano ka nakapasok?"

"Why? Am I not welcome?"

Nagsalubong ang mga kilay nya at lumapit sa akin.

"Anong kailangan mo?"

Seryosong-seryoso ang mukha nya.

"Oh! Am I seeing the Geline Contis here?"

Nakakaloko kong pahayag at naglakad palapit sa kanya, tinapatan ang seryoso nyang mukha.

"The late Arnold Contis' wife."

Ilang sandali syang nakipagtitigan sa'kin at saka humagalpak ng tawa.

"Hahaha... Finally you did it! May nalaman ka rin. I thought you would just always be the stupid girl who keeps her grudge growing. Let me guess, your father and the old man feed you. Am I right? Ahh! Still Xania. Wala kang malalaman kung walang nagbibigay alam. Ang sarap nyong paglaruan."

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon