Josh's POV
Nakaramdam ako bigla ng sapok sa ulo kaya masama ko itong binalingan ng tingin.
"Masakit 'yun ah!"
"Eh gago mo! Ba't mo kinain lahat ng cookies?"
Asar na saad ni Khent.
"Eh bakit ba? Binigay iyon lahat ni Tita eh."
"Hoy, may parte din kami dun ni Allen. Nakipag-kwentuhan lang kami kay tita sa kitchen tapos eto, pagbalik namin ubos na?"
"Aba eh, hindi ko na iyon kasalanan noh."
Dinedma ko na sya. Masarap kaya ang cookies ng mommy ni Kyle.
Nandito kasi kami kina Kyle. Nanggugulo lang. Papasok kami mamaya-maya ng sabay.
Nandito kaming apat sa living room.
Nagbabasa ng libro si Kyle, si Allen ay nanonood ng tv, at si Khent naman ay nagluluksa sa pagkaubos ko ng cookies.
Masarap eh.
Nakita kong napadaan si Bryle kaya tumayo ako at tinawag sya.
"Yow! Bryle."
Lumingon naman sya at lumapit sa amin.
Nagtapikan lang kami at fist bump.
Ganun din kina Allen at Khent.
Pagtingin nya naman sa kambal nya ay agad ng sumama ang tingin.
Tsk.
Malaki talaga galit ni Bryle kay Kyle.
"Musta dude?"
Pangungumusta naman ni Allen dito.
"Hmm, okay lang. Busy."
"Secretary ka pa rin sa Ainax?"
Tanong ko. Tumango naman sya at ngumiti.
Aba mukhang masaya pa sya.
"Ang bopols mo talaga. May sarili kayong kompanya kung saan magiging boss ka tapos nagtitiis ka lang sa posisyon mo dyan sa Ainax."
Komento ni Khent na sinang-ayunan namin.
Hindi sumagot si Bryle at natawa lang.
"Saan ka bang komopanya ng Ainax? Ainax Mall, Ainax Hotel, Resorts Ainax Main, Ainax Restaurant, Ainax Car Company, Ainax Airline, Ainax...etcetera, etcetera."
Tanong ni Allen na mukhang napagod sa pagbanggit ng iba't-ibang kompanya ng Ainax.
Ngumiti naman si Bryle.
"Hoy, Bryle! Ngiti ka ng ngiti. Dating gawi ka na naman ba?"
Nanlalaking mga mata kong puna.
Aba mahirap kung ganun.
Sya naman ay binatukan ako.
"Ulol! Di ako kailanman naging bakla!"
"Pero muntik na!"
Pahabol ko kaya binatukan na naman ako. Tsh.
"Dude, maganda kung sa Resorts Ainax. Madaming bebot dun."
![](https://img.wattpad.com/cover/82382405-288-k573401.jpg)
BINABASA MO ANG
YuXa: The X Leader [ON HOLD]
ActionShe is a bitch! Her bitchness will give you hell! She has Her "Bitch Levels" and "Bitchy levels" She has secrets! She is... Yzus Xania Fortalejo Ang babaeng ubod ng sungit at maldita. A transferee student from Fortalejo Academy. Inaban...