Chapter Twenty Three

167 16 0
                                    

MY POV

Naglakad ang apat hanggang sa ibabang bahagi ng Arena.

Umupo sila sa apat na upuang bakante kung saan may isang babae ang nakaupo dito.

"Ang tagal nyo."

Anas ng babaeng nakamaskara pero deretso lang ang tingin sa ring kung saan may naglalaban.
Maskarang katulad sa apat, pero iba lang rin ang kulay. Pink fire flare.

Hindi lang sya pinansin ng apat at nanood lang din ng laban.

Matapos ang naglalaban sa loob ng ring ay namataan ng apat o ipagpalagay nalang na lima sila. Nakita nilang naglalakad papasok sa ring ang anim na seksing mga babae suot ang Silver Mask na sakop ang buong mukha. A silver mask with a Big X on it. A bloody red X color.

They all have the same mask.

A mask of an 'X' member, that also known of being the Top 1 rank Elite gangsters. The Six Rays.

"This is the 3rd time na nakita ko dito ang X leader pero di ko pa nakikitang lumaban yan."

biglang sabi ng babae o tawagin natin sa codename na Pink habang nakatingin sa direksyong pinanggalingan ng Six Rays. Sa kanang gawi nila, di kalayuan.

Sinundan naman nito ng tingin ng apat.

Isang babaeng nakasandal na nakaupo, naka-dekwatro at naka-croosed arms. May suot na maskarang sakop din ang mukha. A Gold Mask with an X. Just like the Six Rays...X with the bloody red color.

Wearing black short, black tube na kita ang pusod nito plus a gray Blazer.

"Ang Six Rays lang naman ang kabilang sa Elite gangsters diba?"

Sabi naman ni White (Josh)

"Eh tayo ba? Hindi naman tayo kabilang sa mga nandito pero lumalaban tayo."
-Pink

"Pero kilala tayo ng lahat, ang grupo natin. That's why they called us the 'Unknown Fire'."
-Blue (Allen)

"tsh. Shut up na nga. I still don't understand why she didn't fight. Oh i hate her style."
anito ni Pink at binalik ang tingin sa Ring na ngayon ay may nilalampaso na ang Six Rays.

Tumayo naman si Red (Shin) saka hinila si Pink paalis. Sabay nalang na napailing-iling ang tatlong naiwan at buntong-hiningang binalik ang tingin sa Ring.

"Sa palagay nyo...Ang X leader kaya na iyan ang nag-utos para ipapatay si Xania?"
-Yellow (Khent)

nagkibit-balikat naman ang dalawa.

"Hindi natin alam. Pwedeng oo, pwedeng ring hindi. Dahil pwede naman siguro silang tumanggap ng utos basta malaki ang bayad."
-Blue (Allen)

"Pero bakit may gustong patayin si Xania?"
-White (Josh)

"Ewan. 'Yan ang aalamin pa natin."
-Blue (Allen )

Nagsitanguan lang sila at sabay na bumuntong-hininga.

"He must be confused now."
-Allen..
nagtanguan naman ang dalawa at hindi tinanggal ang tingin sa Ring.

"Akala ko pa naman lalaban tayo ngayon."

Iiling-iling na saad ni Khent.

"How's our performance?"

sabay naman napalingon ang tatlo sa kanang gawi nila.

Ang Six Rays na ngayon ay nakatayo at nakaharap na sa leader nito.

"Oh c'mon...say something."

muling saad ng leader ng Six Rays na si Leah Rose Serfino o mas kilala sa codename nitong 'First'.

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon