Chapter 47 - Unveiling Mask with the Vengeance

169 16 0
                                    


(Yzus Xania's POV)



Kinabukasan, halos lahat ng mga estudyante ay may hawak na brosure at mga gadgets.

Nagsisimula na ang lahat sa pag-vote.

Nasa hallway palang ako ng mamataan ko ang tatlong itlog. Nakasuot ng V-neck white shirt at mukha ko ang naka-imprinta roon.

Pinagkukumpulan sila ng mga estudyante habang nasa harap nila ang isang babae at lalaki.

Lumapit ako at inalam kung anong kumusyon ang ginagawa nila.

"Hindi namin hinihikayat ang lahat na piliin si Xania. We are just supporting her in this battle."

-Allen.

"So you're saying that your vote will be on Miss Xania?"

Tanong nung lalaki.

"Yes. No doubt about that."

-Khent.

"Paano naman ang girlfriend ng kaibigan nyo?"

Tanong naman ng babae.

"Bangkay na 'yun."

-Josh.

"Huh?"

"Sabi ko, si Xania ang gusto namin to be the Queen."

"Baka pagsisihan nyo 'yan? Bukod sa kumakapit kayo kay Xandra eh, she's the reigning queen for almost six years."

Saad ng babaeng ito na matabil ang dila.

Sinaway sya ng kasama nyang lalaki pero ngumiti lang ito. Kung hindi ako nagkakamali base sa i.d na suot nila ay reporter sila ng school paper.

Nagbubulungan ang mga naki-chismis habang ang tatlo ay sumeryoso ang mukha.

At ako naman ay nagpating ang mga tenga sa narinig.

Is she underestimating me?

Lumapit ako at ng tahimik at wala ni isang naka-pansin. Ang lahat ay naka-focus sa seryosong mukha ng tatlo.

I went to this girl's back. dahan-dahan akong lumapit sa tenga nya .

"Are you... underestimating... me?"

Mahina at dahan-dahan kong bulong na agad nyang ikinagulat.

Gulat syang napaharap sa akin kaya nasa amin na ngayon ang atensyon ng lahat.

She then composed herself and raised an eyebrow to me.

"Eh kung sasabihin ko sa'yong, oo? Anong gagawin mo?"

"Nothing."

Mabilis kong sagot saka sya nginitian.

"Pero makikipagpustahan ako sa'yo."

Dagdag ko habang nakataas ang gilid ng aking labi.

Nangunot ang noo nya at umayos ng tayo.

"Pag ako natalo, gagawin kitang instant president ng school paper."

Muling saad ko.

She smirked at me. Base sa mukha nya, natuwa sya sa narinig.

"At paano kapag ikaw ang nanalo?"

Now, it's my turn to smirk again. I look at her intently. And she became uneasy.

"Pag ako ang nanalo...."

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon