Chapter Eight

202 18 5
                                    

Yzus Xania's POV

Sa mga nagdaang araw ay ganun pa rin... School-Work-House.

Pero sa mga araw nayan... Laging sira ang araw ko. Simula nung nakitulog sila sa bahay ko lagi na nila akong ginugulo. Mapa-School o trabaho at bahay ginugulo nila ako. Every morning nagigising nalang ako sa ingay nila.

Maaga pa lang nasa bahay na sila. Dinadalhan nila ako ng breakfast, libre nila lagi lunch at pagdating ng dinner eh ang sarap nilang kutusan isa-isa...nakikidinner ba naman sa akin sa coffee shop. Feeling may ari yung tatlo. Pasalamat sila kaibigan nila yung anak ng may ari. Well, isa lang daw sa mga small businesses ng pamilya ni Shin Kyle Acosta ang coffee shop. Yes, alam ko na pangalan ni damuho at kanila yung coffee shop na pinagta-trabahuan ko. And for infos, his father and brother hold their huge companies while his mother only focuses with their small businesses.

Paki credit nalang yan sa tatlong tukmol na sobrang matabil ang mga dila.

Nakaka-bwisit ang mga bwisit dahil paniguradong mambwibwisit na naman sila.

Bumangon na ako sa kama at pumunta sa terrace ng bahay. Gumising ako ng maaga para tingnan ang magiging resulta ng hinanda Kong surpresa para sa kanila.

Labas-masok sila dahil ninakaw lang naman nila ang mga spare key dito sa bahay.

Ilang minuto lang ay nakita kong dumating na sila.

I smirk.

Di ko Alam kung ba't nila ito ginagawa. Sa totoo lang, ayoko ng ginagawa nila. Gusto ko pero ayoko. Magulo pero ayoko talaga. Ayokong mapalapit sa kanila dahil balang araw alam kong iiwan lang din nila ako ng mag-isa tapos iiwan ng luhaan.

It will never happen again.

Nakita ko naman ang dahan-dahan nilang pagbukas ng gate saka dahan-dahan ring pumasok. Pero dahil mga tukmol sila...Hindi nila alam na may nakakonektang sinulid sa gate na binuksan. Lumuwag ito dahilan para tumilapon ang apat na kamatis sa pagmumukha nila.

May isa din akong gustong malaman.

Tinamaan silang apat.
Kaya nagsilabasan ang malulutong nilang mura saka pinagpatuloy ulit ang lakad.

"Malayo pa ang pinto kaya marami pa kayong pagdadaanan." Bulong ko.

Kinuha ko ang remote control saka pinindot ang red button.

Lumabas ang water sprinkler. But instead of water Ang lalabas sa sprinkler ay putik ang lalabas nun.

And there, naligo sila sa putik na ikinatulala lang nila.

"Tang-in-a"
-Allen
"Sh*t"
-Shin kyle
"Amputik"
-Josh
"T-the hell?"
-Khent

Pinagkukuha naman nila ang mga putik sa katawan at mukha bago naglakad ulit.

"May multo ba dito?"
-Josh
"Multo mo mukha mo!"
-Khent

"Anak ng!"
-Shin kyle
"Puta! Anong nangyayari?"
-Allen
"F*ck!"
-Josh
"Oh sh*t"
-Khent

I smirk again of what I saw.
I just release marbles on their way. Now imagine how they walk.

Natutumba silang binilisan ang lakad dahil sa mga marbles at nagkukumahog na malampasan ito. Nakita ko pa ang pagtumba ni Josh na ikina-daing nya sa sakit.

"Aruy ko po!"

ofcourse, masakit yun...sa marbles tumama ang pwet mo..

Nakita ko ring muntik ng matumba si Khent pero dahil katabi nya si Allen na na-out balance...sa kanya ito naglanding kaya nadapa sya habang nasa likod nya si Allen.

"T*NG*NA MO ALLEN!!!!"

"Oh my! Thanks for saving me fafa Khent."

Di ko na napigilan pa ang tawa ko. hahaha...nice.

Si Josh naman ay hindi makatayo dahil sa mga marbles na natatapakan nya kaya hinablot nya ang kamay ni Shin kyle na matatag na nakatayo pa. Hindi naman sya nabigo dahil tinayo sya nito habang ang dalawa eh...err. si Allen na patuloy inaasar si Khent sa pamamagitan ng bakla nyang pananalita at hindi man lang umalis sa ibabaw nito at nagde-kwatro pa..Ang isa naman ay patuloy itong minumura.

Crazy Dudes!

Hindi sila umabante hangang naubos na ang mga marbles.

I released the oil liquid ng hindi pa sila naka-isang hakbang. Hindi sila gumalaw at nakatayo lang silang apat. At syempre di ko kayo hahayaang manatili lang dyan. I pressed yellow button.

Lumabas ang boxing gloves sa magkabilang gilid nila. Sabay gumalaw ang mga ito at sumuntok...tinamaan sina Josh at Allen. Maswerte sina shin at Khent dahil nasa gitna sila.
Pero dahil sa patuloy na paggalaw ng boxing gloves napilitan silang gumalaw. And there you go...

Nagkukumahog ulit sila dahil sa madulas ang matatapakan nila. Ang mga kamay nilang di alam kung saan hahawak. Pero matalino si Shin dahil binalanse nya ang sarili nya sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang ulo nina Josh at khent na katabi nya lang.

At kung di ako nagkakamali, nilagyan nya ng pwersa ang paghawak sa mga ulo ng mga ito kaya nahinto ito sa pagsayaw sa dulas. Kawawang Allen na patuloy sa pag-iwas at pagsayaw. At si Josh? Sabihin na nating mamamaga ang pisngi nya dahil sa patuloy na pagsuntok sa kanya ng boxing gloves.

Si Allen na patuloy sa paggalaw ay bigla itong natuwad at napigilan ang pagkakadapa.
Pero nasuntok naman ang pwet nya kaya nadapa pa rin sya. At dahil sa impact ng pagsuntok sa kanya ay natabig nya ang paa ni Khent kaya naglanding ito sa kanya.

Si Shin naman ay nawalan na ng balanse dahil dun kaya naglanding sya kay Khent at si Josh naman ay kay Shin naglanding.

"MGA-PU-TA-KA-YO!!!"

Mahina na daing ni Allen na dinaganan ng tatlong tao.

Di ko na naman napigilan ang tawa ko.

Para silang laman ng burger na pinagpatong-patong.

Itim na burger? yuck!

Tinigil ko ang paggalaw ng boxing gloves at hinintay silang mahimasmasan.

Unti-unti silang nagsigalawan at paggapang na gumalaw para lagpasan ang oil liquid ko.

Nakalagpas naman sila pero nakatayo pa at nakatitig lang sa daan patungo sa pinto ng bahay.

Alam kong iisa kayo ng iniisip. sabi ko sa isip ko.

Naningkit ang mga mata ko ng makitang parang bumubulong si Josh.

Nagulat ako ng bigla silang tumakbo ng mabilis kaya hindi ko agad napindot ang remote para sana sa susunod kong atake kaya yung sumunod nalang.

Ayan. Pareho tuloy silang naging instang INIPIT.

Napa-bungisngis naman ako. Look how pathetic their faces are.

Sobra silang dikit na dikit sa isa't-isa habang nasa gitna ng dalawang cushion. Dikit na dikit naman ang mukha nina Khent at Shin sa cushion dahil sila naman ngayon ang nasa magkabilang gilid.

Pinindot ko ang release button kaya sabay silang napa-upo at nakahinga ng maluwag. Of course, ipit na ipit sila at pag sinubukan mong gumalaw ay iipitin ka pa lalo.

"Grabeng parusa ito Lady Dragon!"

sigaw ni Allen.

Ngumisi naman ako at pinindot ang Pink button.

Umalingawngaw ang tunog ng isang galit na dragon kaya sa isang iglap nakatayo na sila at lumingon-lingon.

"T*ngna! May dragon ata."
-Josh

"Gago ka talaga Allen. Ginalit mo ang Dragon!"
-Khent

Nung nawala ang sound effect ko ay unti-unti at dahan-dahan silang humakbang.

Hinintay ko ang bawat hakbang nila...at nung malapit na sila at limang hakbang nalang ay pinalabas ko na ang chinese dragon na sabay nilang ikinagulat kaya sabay silang napatakbo patungo sa pinto.

I gave an Evil smile...

"...And for my final blow..."

*********
(Hello!!!!! hahaha....)

-Suji_bluish

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon