(Yzus Xania's POV)
Seryoso lang syang nakatingin sa'kin hangang sa bigla itong ngumiti at tinalunan ako ng yakap.
"Xania!!!!"
Napa-irap ako at inihiwalay sya sa akin.
"How's my mga pamangkin?"
"Hindi mo sila pamangkin."
"Yeah right! They surely namiss their tita. I'm gonna bisita at your place if I have time."
"May time naman talaga ah."
Pamimilosopo ko dahil sa pagiging conyo nya.
"Ay! Oo nga pala noh!"
And I rolled my eyes dahil sa naging sagot nya. I forgot. She is slow as HELL.
"Goodbye."
Mabilis akong pumasok sa kotse at pinasibad na. She can handle herself.
That girl will stay a mystery in this story. You'll know her in her own story.
Matapos kong i-park ang kotse sa parking lot ng Univ. ay tinungo ko na agad ang pictorial room.
Naglalakad pa lang ako palapit sa room ng namataan ko si Hans Gian Versoza na nasa labas malapit sa pinto ng room na may kausap sa phone.
Nagpatuloy ako at huminto malapit sa kanya. Bahagya syang nakatalikod kaya di nya ako pansin.
"Is that your suggestion huh? Stupid!"
Bakas sa tono nito ang pagka-asar sa kausap.
"Well, yeah. How am i supposed to know who has this gold thing when in fact, everyone has something gold."
Sarkastiko nyang sagot. Nahihiwagaan ako sa kung ano ang pinag-uusapan nila. Ano naman ang kinalaman ng pagpasok nya dito sa gold na bagay?
"Wow! Sinong tanga naman ang sasabihing may gold syang bagay na ginamit nya sa pagpatay sa tao? Alam mo? Kung nariyan lang ako kanina pa kita inilibing dyan ng buhay sa suhestiyon mong nakaka-bobo."
Agad na nagsalubong ang dalawa kong kilay sa narinig. Anong ibig nyang sabihin tungkol sa gold na bagay na ginamit pampatay?
"Magtutuos tayo mamaya. Bye."
Pagkababa nya sa kanyang phone ay agad syang humarap sa gawi ko na ikinagulat nya.
"Ka-kanina ka pa dyan?"
Bakas sa mukha nya ang kaba sa pagtatanong.
"Oo. Hindi ako makapasok dahil nakaharang ka sa pinto."
Napakurap-kurap naman sya at lumayo sa pinto.
Akmang papasok na ako ng pigilan nya ako sa muli nyang pagtatanong.
"Hangang saan ang mga narinig mo?"
Tanong nya mula sa likod ko. Tumingin ako sa gilid at hindi sya nilingon.
"Sapat na para malaman kong iba ang pakay mo sa pagpasok sa eskwelahang ito. I already expected it though."
Pumasok na ako sa loob at nakitang handa na silang lahat at ako nalang ang kulang.
Nakita kong nakayuko ang lahat lalo na ang mga bakla maliban lang sa bobita kong kapatid na ngayon ay napasama ng tingin sa akin.
Mukhang beastmode ang bruha.
"Prepare yourself now Ms. Fortalejo so we'll start the photoshoot."
Rinig ko saad ni Versoza at nilagpasan ako.
BINABASA MO ANG
YuXa: The X Leader [ON HOLD]
AcciónShe is a bitch! Her bitchness will give you hell! She has Her "Bitch Levels" and "Bitchy levels" She has secrets! She is... Yzus Xania Fortalejo Ang babaeng ubod ng sungit at maldita. A transferee student from Fortalejo Academy. Inaban...