Chapter Ten

190 15 0
                                    

Yzus Xania's POV

Hating-gabi na pero di pa rin ako makatulog sa isiping pinababantayan ako ng kung sino.

Bumangon ako at lumabas ng veranda.

Nakatulala lang ako sa  kadiliman ng lugar.
Tahimik.

(Flashback)

Kasalukuyan akong bumababa ng hagdan ng makarinig ako ng tawanan sa living room kaya doon ako dumeretso.

May nakita akong pigura ng tatlong tao na nakaupo sa sofa.

"Eeehhh! Stop teasing me daddy."

"No I'm not teasing you baby."

"I'm 13 na kaya daddy so stop calling me baby. I am not a baby anymore."

"But you're still my baby."

Ang saya nilang tingnan. Kita sa mukha ni daddy ang kasiyahan habang katabi ang isang bata. Isang batang babae na pinagigitnaan nina dadd at nung isang babae.

13 na sya at ako naman ay  14.

Napansin ako nung babae kaya kinulbit nya si daddy at tinuro ako.

Napatingin sila sa akin.

Nakita ko pa kung pano nag-iba ang itsura ni dad.

masayang mukha tapos  naging seryoso.

Tumayo sya at lumapit sa akin kasama ang dalawa nyang kasama.

Habang ako ay natulos lang sa kinatatayuan ko.

Nakatayo na sila sa harap ko habang ako ay nakatitig lang sa mata ni dad.

"This is Geline, my wife."

Panimula nya at pakilala  sa isang babae sabay hawak sa bewang nito.

"and this is Gel Xandra, our daughter."

sabi nya ulit at inakbayan ang isang bata na babae.

Hinihintay nila ang reaksyon ko pero wala akong maibigay sa kanila.

Inaasahan kona ito. At mas lalong nadagdagan ang galit ko kay dad.

"Kailan kayo ikinasal?"

malamig kong tanong.

Kita ko pa ang pagkunot ng noo ni dad.

"A year after your mom died."

Sagot nya at dinagdagan pa nun ang galit ko sa kanya.

He married his mistress after a year mom died?

Wow! parang hinintay lang talaga nilang mamatay si mom.

Tiningnan ko naman ang step sister ko.
Naka-ngiting aso naman sya sa akin.

"Masaya ka na nyan?"

Sabay naman silang nagulat.

"Xania!"

Bumaling ako kay dad.

"kakapanganak pa lang ni mom sa akin may anak  ka na agad sa iba matapos ang isang taon? Malibog ka ba sa panahong iyon?"

*PAK*

napahawak ako sa pisngi ko.
At sarkastiko akong natawa.

Umalis ako sa harap nila at lumabas na ng bahay na iyon.

Pumunta akong park at nakita syang hinihintay ako.

Ngumiti sya ng matamis ng makita nya ako kaya napangiti rin ako.

Lumapit ako sa kanya at agad naman nya akong niyakap ng mahigpit.

"How are you?"

tanong nya at ngumiti naman ako ng matamis.

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon