"A man without a purpose is like a ship without a rudder -- a waif, a nothing, a no man."
Camille POV
Kinabukasan, mas inagahan ko pa sa usual na oras ang pagpasok ko sa opisina. Mahirap na, bago ang boss namin ngayon ayokong ma-late. Sabi nga nila sa private corporate world, any form of delay is a mortal sin and therefore unforgivable. Kung sa iba, time is gold. Well, iba sa akin. Time is money. Halimbawa, na late ka ng dating sa flight mo, papa rebook ka ulit, magbabayad ka na naman. Sayang yung pera. O di kaya pag na-late ka sa trabaho, sign of tardiness yun at ibabawas nila yun sa sahod mo.
Pero mukhang ayaw makisama ng tadhana, kanina pa ako nag-aabang ng taxi, wala man lang akong masakyan. Para namang nag-usap usap ang mga taxi drivers na wag ako pasakayin dahil may bago akong boss. Tiningnan ko ang oras.
Hay naku baka ma-late na talaga ako nito. Naiinis na usal ko. Wala din naman palang epekto yung pagiging maaga ko ngayon. Naman, Lord kahit ngayon lang po. Please? I mentally prayed. Hala lagot na wala na talaga akong masakyan.
Nakanguso na ko sa sobrang inis. Halos pumadyak padyak na ako na parang bata sa gilid ng kalsada. Bakit kasi ngayon pa eh dati rati naman pagkaalis ko ng bahay may nasasakyan na ako agad.
BAKIT NGAYON PA?!
Tumingin ako dun sa may paradahan ng pedicab sa kabilang kanto. Wala na talaga akong choice!
Naglakad ako papunta dun. Nagulat pa yung barter yata yun nang makita ako palapit, di naman kasi ako sumasakay ng ganun lalo na papunta sa opisina.
"Eerrrr... manong pwede po pahatid?" Sabi ko na medyo alanganin at nahihiya.
"Hoy Baltas, may pasahero ikaw na ang sunod!" Tawag ni manong sa isang lalake na nakatayo sa may kumpulan marahil ng mga pedicab driver.
Aga-aga nagsusugal ang mga 'to. Ani ko sa isipan.
May lumapit sa amin na payatot na lalake, mga nasa early thirties siguro ito. Sinakyan niya yung pedicab na kulay blue ang tolda at tsaka lumapit sa akin.
"Sa may Media.Com po tayo kuya." Sabi ko bago ako sumakay sa loob. Kilala na naman ang kompanya na pinagtatrabahuan ko kaya tiyak na alam na nito.
"Yung malapit po sa MOA, ma'am?" Tanong nito.
May iba pa ba? Yun sana isasagot ko pero di ko na lang tinuloy sa halip tumango na lang ako saka sumakay.
Problema ko ngayon, ang baba nung upuan na may kaunting foam, naka-skirt pa naman ako. Umupo na lang ako ng pa side para di ako masilipan tsaka pinatong yung bag ko sa lap ko. Tiningnan ko ulit ang oras sa wrist watch na suot ko. May oras pa, makakahabol pa ako.
Pero ang siste, ang bagal ni kuya magpadyak. Naniniwala yata to sa forever eh. Naman, naman, naman. Naiinis na naman ako habang napapakamot sa sentido ko.
"Kuya wala na po bang mas mabilis diyan sa pagpadyak mo?" Di ko na napigilang magsalita. Paano male-late na ako!
"Ay ma'am baka po mahuli tayo pag binilisan ko." Sagot nito. "Baka maticket-tan po ako dahil sa over speeding."
Ano daw???!!!
Nanahimik na lang ako baka kung ano pa masabi ko. Pumikit ako para kalmahin ang sarili ko. Ayokong lalo pang masira ang araw ko.
Nang sa wakas ay nakarating na kami sa tapat ng opisina. Two minutes na lang male-late na talaga ako. Agad ako kumuha ng eighty pesos sa bag ko at iniabot sa kanya. Dali-dali ako lumabas at papasok na sana sa entrance ng building ng magsalita ito.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomanceCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...