"What is love? ------ Love is something you cannot see but you can feel within your soul. Love is like the air you breath and you can't live without it. Love is not selfish, it is kind. Love is... everything."
Danielle POV
Nagpaalam ako saglit sa mga kaibigan ko para mag-order ng inumin sa bar counter. Pero something stole my attention... I mean someone. Isang babaeng maganda at nakakaakit tingnan. I'm four to five chairs away from her but her face is still so clear to me. Nakatingin din ito sa akin at nahihiyang ngumiti.
"Cut!" Sigaw ng baklang direktor.
Damn! Naibulalas ko sa loob-loob ko. Paano kung makasigaw naman ito parang may sunod. Ang sakit sa tenga, nakakagulat pa!
Lumapit siya sa amin ni Camille.
"Camille naman naka-ilang takes na tayo dito sa part na ito." Nakapameywang na sabi niya kay Camille.
Pang-anim na take na siguro namin ito pero hindi pa rin maperfe-perfect ni Camille yung gustong mangyari ni direk.
"Sorry po direk. Hindi naman kasi ako marunong umarte eh." Katwiran nito na para ng maiiyak sa hiya.
"Camille..." Nauubusan ng pasensyang sambit ni direk. "Please lang kahit ---"
"Direk!" Putol ko sa pagtatalak niya. "Can you please leave us for a while?"
Bumuntong-hininga ito. "Fix this." Sabi pa niya sa akin bago siya tuluyang umalis at iwan kami ni Camille. "Break muna five minutes!" Narinig ko pang sigaw nito.
"Hey..." Mahinang tawag ko sa kanya. "Are you okay?" Nilapitan ko siya sa kinauupuan niya.
She sigh. "Di naman kasi ako marunong umarte." Malungkot na sabi niya sa akin. "Buti nung photo shoot di naman kelangan umarte dun." Nakatungo na sabi pa.
I caught her chin and lift her face to see me. I gave her a sweet smile. "Ba't di mo na lang isipin nung bago tayo magkakilala." Sabi ko sa kanya at biglang naguluhan yata ito. "Sa bar."
Tinitigan niya ako. "Lasing kaya ako nun kaya malakas ang loob ko." Umirap pa na sabi sabay bawi nung baba niya.
I laugh softly. "Kaya nga." Sagot ko. Kumuha ako ng isang baso ng alak at ibinigay sa kanya. "Drink this."
"Eeeehhh, di naman talaga ako umiinom." Nag-aalangang sabi niya.
"It's margarita." Tukoy ko dun sa inumin na iniaalok ko sa kanya. Tumaas ang isang kilay nito sa sinabi ko. "Para magkaroon ka ng lakas ng loob para makipag-flirt sa akin tonight." Dagdag na biro ko.
"Sira!" Bulalas niya pero unti-unti ding sumilay ang ngiti sa mga mapupulang labi niya.
"Come on, Camille." Inialok ko ulit yung inumin sa kanya. "Drink this."
Kinuha niya yung inumin sa kamay ko. Huminga muna ito ng malalim bago inisang lagok yung alak. Napapikit pa ito nung malasahan yung inumin na binigay ko sa kanya.
"Hoo!" Sambit niya.
"Feeling better?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
She twitched her lips thinking. "A little." Kapag kuwa'y nakangiti ng sabi niya sa akin.
"See?" Mayabang na sabi ko. "Halikan mo nga ako para malaman natin kung nag-sink in na yung epekto nung alak?" Biro ko pa sa kanya sabay turo sa labi ko.
"Sapak gusto mo?" Sabay itinaas ang kamao nito.
"No need." Biro ko sa kanya. "Okay na."
"Pero salamat ha?" Nahihiyang sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomanceCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...
