"I started to believe in love when I met you..."
Danielle POV
Tatlong araw din akong hindi pumasok sa opisina, tatlong araw akong nagtiis na di makita si Camille at tatlong araw ding tiniis ko yung presence ni Mitch. Yeah, you heard me right. Si Mitch malapit na sa salitang bitch. Haha just kidding.
Pero totoo yun. She visited me. She arrived here in the Philippines Tuesday morning. Nagulat nga ako nasa doorstep ko na siya eh. I didn't know or did have even a slight idea that she will really visit me here. And the worst of all, nung inilabas ko siya nung gabi nung Martes, nakita ko pa si Camille together with that douche, having a good time together. I even saw her smiled at him sweetly and touched his hand. Kung nakakamatay lang ang tingin, dalawang beses sigurong humundusay si Camille at yung lalaking yun.
I know, I don't have any right to act like a jealous girlfriend, but what can I do? Every time I see her with that man I feel like there's a thousand swords repeatedly strike me. At yung makita siya kung gaano siya kasaya with him, mas masakit na naman yun.
Kaya kahit na naiirita ako kay Mitch, pinagtiyagaan ko na lang baka kako kahit saglit mawala sa isipan ko si Camille. Pero mali ako. Walang oras yata na di ko ito inisip. I missed her... so much.
Kaya ngayong Friday, pumasok ako. Umuwi na si Mitch kahapon. Pinagtabuyan ko siya pabalik sa Canada. Pero syempre, biro lang yun. Isa pa kinailangan din kasi ito ng kanyang ama sa kompanya nila kaya kailangan na nitong umalis agad. And one more thing, di pala ito nagpaalam sa mga magulang nito na pupunta siya ng Pilipinas!
Pagdating ko sa building ng kompanya ay agad ako nagtungo sa penthouse. Si Abby at yung mga crew ang nadatnan ko dun, wala pa si Camille.
"Hey cous!" Bati ni Abby sa akin sabay halik sa pisngi ko. "Kumusta?"
"Hey," Sambit ko. "I'm fine."
"I don't fe---" Di ko na naituloy dahil biglang bumukas yung pinto ng dressing room at iniluwa nun ang babaeng nagpapagulo sa isipan ko.
"Hi, sorry na-late ako." Sabi ng humahangos na si Camille.
"It's okay." Sabi ni Abby at humalik sa pisngi ni Camille bilang pagbati. "Libre mo na lang kami ni Dani."
At para namang dun lang napansin ni Camille ang presensya ko.
"Kayo na lang." Malamig na sabi ko. "Madami pa ako gagawin."
"Oh panu ba yan, Cami?" Tanong naman ni Abby sa kanya.
"H-ha? Ah...eh..." Parang naiilang na wika nito.
"Sige na nga next time na lang." Parang napilitang sambit ni Abby.
"Karla ako na lang muna unahin mo." Sabi ko sa baklang make-up artist.
"Ay sige po." Sagot naman niya at agad itong tumalima.
Tahimik lang ako habang inaayusan ni Karla. Hindi ko pinapansin si Camille. And alam ko na panaka-naka itong sumusulyap sa akin. I can feel her eyes on me from time to time.
"Cous," Tawag sa akin ni Abby at nagtatanong ang mga matang tiningnan ko siya sa repleksyon niya sa malaking salamin. "Kumusta naman ang bakasyon nung hilaw mong girlfriend?"
Sinamaan ko nga 'to ng tingin. Pero nakita kong kumindat ito sa akin. Ano na naman kaya binabalak nitong babaeng to?
"Okay lang naman." Sagot ko na lang. Nakita ko sa salamin na parang yumuko si Camille. "Nag-enjoy naman siya kahit maikli lang siya nag-stay dito."
"Alam mo Camille," Baling ni Abby sa katabi nitong si Camille na bigla yatang tumahimik. "Patay na patay sa kanya yung si Mitch. Kung pwede lang, matagal na niyang pinikot itong pinsan ko."

BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Storie d'amoreCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...