"Follow your heart, it knows where it is going."
Camille POV
"B-bakit po ako?" Kinakabahang tanong ko kay Abby. "H-hindi naman po ako l-lesbian."
Bigla itong nagtaas ng kilay pagkasabi ko nun. Para bang tinatantsa niya kung totoo yung sinabi ko. Gusto ko tuloy itong tarayan. Eh sa hindi naman talaga ako lesbian. Kaya?
"The model doesn't have to be lesbian in real life." Seryosong sagot ni Abby.
"I-I'm sorry but I can't, ma'am." Tanggi ko. "Madami pa naman po mas maganda diyan. Isa pa po di naman ako model."
Sumulyap ito kay Danielle.
"Tingin na lang tayo ng iba." Sabi naman ni Danielle.
"Okay." Seryosong sagot ni Abby. "I'm pulling out." Dagdag pa nito.
"What?!" Gulat na bulalas ni Danielle.
Yung mga kasamahan ko naman dito sa loob ng conference kanya kanyang sabi ng pagkadismaya.
"If she will not accept it, I'll pull out." Sabi ni Abby. Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Abby---" Malungkot na sambit ni Danielle na agad pinutol ni Abby.
"It's stated in our contract, Dani. I can pull out anytime if I'm not satisfied with your services." Sabi nito. "And to think na di pa tayo nagsisimula di ko na gusto ang service niyo."
Bigla tuloy akong na-guilty. Yung ibang kasamahan ko nakatingin na sa akin. Kulang na lang pakiusapan nila ako na tanggapin yung idea ni Abby.
"Best, sige na kasi. Wala namang mawawala sayo eh." Sabi sa akin ni Ana.
"Hindi ko kaya, best." Malungkot na sabi ko dito.
"Kaya nga, Camille." Dagdag pa ni Aika. "Tanggapin mo na Camille."
"Sige na, Camille." Si Cecile naman. "Pagkakataon na natin itong makaahon."
Nangonsensiya pa. Ano ba yan? Ano ba dapat gawin ko? Eh hindi ko nga kaya yun...
Nasubukan mo na ba para masabi mong hindi mo kaya? My inner self.
"Can you please leave us for a while." Hingi ni Abby. "I want to talk to her alone."
Agad namang sumunod ang mga kasamahan ko kasama si Danielle.
"Just let us know when you're done." Parang malungkot na sabi ni Danielle bago ito tuluyang lumabas.
Naiwan kaming dalawa ni Abby. Parang bigla tuloy akong nailang sa katahimikang namayani sa loob ng silid na iyon.
"Okay." Panimula nito.
Naglakad ito papunta sa kinauupuan ko saka umupo sa tabi ko. Ako naman nakatungo lang.
"What made you think you can't do it?" Tanong nito at agad ako nag-angat ng tingin.
"I-I don't know, ma'am ---"
"Please, just call me Abby." Putol nito.
Huminga ako ng malalim. "Okay, Abby." Di ko mabasa ang expression nito kung galit ba o hindi. "Hindi naman kasi ako modelo. And isa pa, di naman ako errr into girls."
She laughed softly. "Bakit yung mga sikat ba na modelo ngayon, pinanganak na silang modelo agad?" She make sense actually. "And one more thing, I'm not saying you are gay."
"Pero..." Haist... ano na gagawin ko?
"May I ask you?" Nakatingin siya sa akin ng diretso. "How long have you been here in this company?"
![](https://img.wattpad.com/cover/83466323-288-k28624.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomanceCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...