Chapter 10 Exes

50.4K 1.1K 57
                                        

"When I first met you, I didn't have the idea that you'll be this important to me."

Danielle POV

Ang ganda ng gising ko ng araw na iyon. Ilang araw na rin ang  nakalipas mula ng magkaroon kami ng di pagkakaunawaan ni Camille. Pero simula noon naging smooth na yung pagsasama namin. Lalo na ngayong nasa planning stage na kami nung gagawing advertisement ng product ni Abby.

Speaking of my cousin, Abby. Well, okay yung plan niya na kami ang gawin niyang model ni Camille. I asked for her help about Camille and as I've expected, she did help me na mapalapit pa sa kanya. Pero ang di ko lang nagustuhan eh yung sinabi niya kay Camille na alam nito ang nangyari sa amin a year ago. Dahil dun nag-away tuloy kami.

Anyways, all is well na naman so kinalimutan ko na yun na kasalanan ni Abby. I told her to pay for it na lang... someday hehe.
Medyo late na ako nakapasok sa office dahil napasarap tulog ko. Pasipul-sipol pa akong naglalakad patungo sa building pagka park ko nung sasakyan. Nakita ko na may isang binatilyong may hawak na bouquet of red roses, nagtanong sa guard and din saka pumasok sa loob.

Nagtataka akong lumapit sa guard. "Who's that?" I asked.

"Delivery boy po ma'am." Sagot nito.

"Sino hinahanap?"

"Si ma'am Camille po, ma'am." Nakangiting sabi nito.

"Para sa kanya yung flowers?" Bigla tuloy nag-iba timpla ng mood ko ngayong araw.

"Opo ma'am." Sagot nito na walang kamalay-malay na bigla nag-iba ang expression sa mukha ko. "Di na naman po bago yun ma'am. Madami naman po nagpapadala ng bulaklak at kung anu-ano pa po minsan kay ma'am Camille. Lalo pa nung mag---"

"Okay." Sabi ko na lang to cut off whatever he was about to tell me. I don't care about the rest dahil sapat na yung narinig ko na may mga nagpapadala kay Camille ng bulaklak.

Pumasok na ko sa elevator. My foot is thumping sa floor habang naka-halukipkip ako. Naiinis ako knowing na madami yata ako karibal pagdating sa kanya.

Nang makapasok na ko sa opisina ko, pabagsak akong naupo sa swivel chair. Nag-iisip. Ayoko ng ibang may umaali-aligid sa kanya. Pero paano ko siya pagbabawalan eh ni hindi nga kami.

And you're not even courting her. I mentally added.

I sigh deeply. Should I send her flowers too? But honestly? Never pa ako nagbigay ng flowers sa isang babae. But of course, except mom and Abby. Nabigyan ko na sila ng flowers. What I mean is sa isang babae na gusto ko. And I never even courted anyone. Sa estates naman kasi, di ko na kailangang manligaw, sila pa nga lumalapit sa akin eh. I never even had a serious relationship, puro flings lang. Parang wala pa kasi ako gustong seryosohin. Not until I met Camille.

What should I do now?

I've been busy the past few hours and I'm a bit thankful kasi nawala saglit sa isipan ko si Camille. Comes the lunch break, sa sobrang pagod ng utak ko sa kakaisip kanina, I ordered food for my lunch na lang. 

After I ate lunch, I went back to work. I'm all tied-up with my work when my phone rings suddenly. Di ko na sana yun papansinin pero ring lang ng ring. Unknown and it's an international number.

"Yes, hello?" Sagot ko.

"Hey, babe." Malambing na sabi ng nasa kabilang linya.

Napakunot noo naman ako. "Who's this please?"

I think I heard her cursed. "It's Mitch, babe!" Parang nainis pa ito. "Have you forgotten me already?"

Mitch? Ah! I remember her now. She's one of my exes.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon