"Ever since the day you came into my life I knew you would be here until the end of time."
Danielle POV
I can't marry you.
Ilang beses ng tumatakbo sa utak ko ang mga katagang yan. It's just four-word sentence pero ang impact ay parang matalim na espadang humiwa sa puso ko.
Ganito pala ang pakiramdam ng mabasted? Ang sakit pala. Sobra. Ganito pala ang feeling ng ma-reject? Nakakawala tiwala sa sarili. Nakakasira ng bait.
"Danielle, tama na yan." Saway sa akin ni Abby nung pumunta ako sa condo niya at dun ko inilabas ang sakit na nararamdaman ko.
"Just let me be, Abby." Sabi ko sa kanya at inilayo ang bote ng alak na tinutungga ko. Hindi na ako nag-abala pang gumamit ng drinking glass.
"Lasing ka na." Saway niya sa akin.
"Hindi pa ako lasing." Napa-sinok pa ako. Pero sa totoo lang lasing na talaga ako.
Di ba ito naman ang gusto ko? Ang malasing. Pero bakit hindi ko pa rin makalimutan yung sakit nang pag-reject sa akin ni Camille? Sabi nila kapag lasing ka na makakalimutan mo yung sakit, pero bakit hindi ko makalimutan?
"Tama na yan, please Dani." Nag-aalalang sabi pa niya.
Hindi ko na napigilang umiyak kay Abby. Ang sakit na kasi eh. Para na akong sasabog. This is my first heartache over a girl.
"What's wrong with me?" I asked tears falling from my eyes. "What's wrong with me, Abby? Tell me."
"There's nothing wrong with you." Mahinang sabi niya sa akin at hinimas-himas ang likod ko na para bang pinapatahan niya ako.
"Then why?" Puno ng hinanakit na sambit ko. "Bakit di ako magawang pakasalan ni Camille?"
"Bakit di mo na lang kasi ipinagtapat sa kanya kung ano ang totoo mong nararamdaman?" Sabi niya sa akin. "Who knows? Things might be different."
Tumawa ako ng mapakla. "I don't think so. She really don't like me."
"Pero at least nasabi mo sana sa kanya yung feelings mo."
"Para ano?" Sarkastikong sagot ko dito. "So she has the right to crash my heart and tore it into pieces?" Napailing-iling na sabi ko.
Bakit? Hindi pa ba niya nagawa yun? Sabi naman ng isipan ko.
"Danielle..." Malungkot na sambit ni Abby.
"No, Abby." Mariing tanggi ko. "See what she did? Hindi ko pa man nasasabi sa kanya yung totoong nararamdaman ko, she broke my heart already."
Niyakap na lang niya ako. Napapikit na yumakap din ako sa kanya. Kahit ayoko di ko pa rin maiwasang sumama ng loob kay Camille. And I can't believe, I'm crying over her right now. Over a girl. Another first.
Kaninang umagang nag-usap kami ni Camille, kahit papaano umaasa akong she will say yes to me. Pero mali pala. Ang sakit pala umasa. Karma is a bitch ika nga nila. Maybe this is my karma.
When she said she can't marry me, I heard something crack inside me. Pero I tried my best to hide it in front of her. Lumabas na lang ako agad ng opisina niya at pumasok sa office ko. I tried to focused on my work pero hindi ko kaya. So I decided to go to Abby's place instead.
At heto nga naglalasing sa mini bar ni Abby dito sa condo niya. And because of my drunkenness, hindi na ako nakauwi. Sa bahay na lang niya ako natulog.

BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomanceCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...