Chapter 32 Fireworks

56.5K 1.2K 297
                                        

"I want you in the worst way... your taste, scent, and feel of your skin next to mine... I want it all tonight."

Camille POV

"I want to make this night extra special for you, Camille." Danielle told me habang unti-unti siyang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko.

Para akong nalulunod sa sobrang kilig na nararamdaman ko ngayon. She made all of these? The candles, the flowers... the ambience.

"Danielle..." I'm so speechless right now.

Ang swerte ko talaga sa babaeng 'to. Ang sweet sweet!

Ngumiti siya akin. Yung ngiting parang galing sa puso. "Gusto kong maging special sayo itong gabi na 'to at gusto ko yung ilagay sa bank of memories mo." Sabi niya.

Ng nasa harapan ko na siya. Iniabot niya sa akin yung isang stem ng red rose.

"For you, love." Ang lambing ng pagkakasabi niya nun sa akin.

Nanginginig ang kamay ko na inabot yun. "T-thank you..."

She held out her right hand to me. Walang alinlangang ipinatong ko yung kamay ko sa nakalahad niyang kamay. And like when we first met, nandun na naman yung parang libu-libong boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan ko galing sa kanya ng magdaop ang aming mga palad.

Masuyo niya akong hinila palapit sa katawan niya. Wait! Magsisimula na ba kaming ano... errrr... yun? Tarantang tanong ng isip ko.

"Danielle, saglit lang!" Pigil ko sa kanya ng yayakapin na sana niya ako sa beywang.

Kunot-noong tumingin siya sa akin and then biglang natabunan ang mga mata niya ng pangamba at kaba.

"Are you backing out?" She asked.

"No!" Medyo napalakas na sabi ko. "Uhm kasi ano... uhm..." Napakamot ako sa noo. Natetense na naman kasi buong katawan ko. "Pwedeng ano... uhm... ano."

She laugh softly. "Anong ano?" Tanong niya. "Gusto mo na bang mag ano?" Mahalay niyang tanong sa akin.

I slapped her arm. "Hindi! I mean pwede munang uhm... m-maligo?"

"You don't have to----"

"Please?" Putol ko sa sinasabi niya.

"Alright." Payag niya. "Just... take your time."

Binitiwan niya ako at senyales na yun na kailangan ko ng pumunta sa banyo para maligo.

May naka-ready ng tuwalya at bath robe sa banyo. Naglagay na kasi ako dun sa maliit na kabinet dun na gawa sa salamin para kapag nakakalimutan ni Danielle magdala, di na siya lalabas na naman ng hubo't hubad.

Para akong natetense na naeexcite nang mga sandaling yun. Halos nagkakandaugaga na nga ako sa pagtanggal ng butones nung blouse ko eh.

"Relax, Camille. Relax." Kalma ko sa sarili.

Nang mahubad ko na lahat ng damit ko ay pumasok na ako sa loob ng shower. May partition kasi yung shower. Habang naliligo ako, kung anu-anong pumapasok sa utak ko. Nung una naman kasing may mangyari sa amin lasing ako nun sa totoo lang talaga di ko matandaan exactly yung ginawa namin.

Kinuha ko yung body scrub at naglagay ako sa buong katawan. Ayoko naman na mabaho ako o amoy pawis 'no? Special night namin 'to ni Dani eh. Nagshampoo ako. Nagsabon. Tapos naglagay ulit ako ng body scrub, pangalawang beses na yun. Tapos nagsabon ulit ako at iba pa yung body wash!

Siguro okay na naman amoy ko 'no? Ikaw ba naman dalawang beses mag scrub, magsabon at may body wash pa? Ako na ang malinis at mabango 'te!

Pagkaligo ko, prinoblema ko na naman kung magtutuwalya lang ba ako or magrorobe. Di ko alam eh. Paano ba? Tsk, bakit kasi di ako nag-research!

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon