Chapter 22 Collapsed

38.8K 882 41
                                    

"When things get awfully tiring, seek for silence... Most of the times, the loudest lessons are found at the most quiet corners of our lives."

Camille POV

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Yung lupang ipinamana sa akin ng aking ina ay mawawala na lang ng ganun ganun lang?

"Hay naku Camille pigilan mo ako at baka masugod ko ang anak ng putik na Mary-ann na yan!" Galit na galit na sabi ni Ana.

Kinabukasan kasi sinabi ko na sa kanya yung tungkol dun sa maiilit ng lupa namin na nakasanla kay Don Alejandro Gomez. Yung isa sa pinakamayamang tao sa Laguna.

"Hindi naman siya yung direktang may kasalanan eh." Saad ko dito habang pinaglalaruan ko yung lunch ko.

"Ipinagtanggol mo pa!" Angil niya sa akin.

"Ana yung boses mo." Mahinang saway ko sa kanya at nagpalinga-linga baka nakatawag na kami ng pansin. Buti na lang at busy lahat ng tao dito sa loob ng chinese restaurant na kinainan namin ni Ana dito sa loob ng MOA.

Inirapan naman ako dito. "Camille naman kasi minsan magalit ka." Nawawalan ng pasensyang sabi niya sa akin. "Sumigaw ka. Magwala ka."

Hindi ko alam pero ayoko gawin yung mga sinasabi ni Ana. Hindi ko kaya magwala, sumigaw sa galit. Ano magagawa ko kung ganun ako pag galit, tahimik lang. Di kikibo.

"Sumbatan mo yung magaling mong pinsan!" Asik niya. "Pinaglihi yata yun kay Lucifer eh!"

"Hindi nga siya yung direktang may kasalanan." Paliwanag ko pa dito. "Si tito Cesar ang nagsanla nung mga titulo."

Nagkandautang-utang kasi si tito Cesar dahil sa sugal at alak, at ito namang si Mary-ann ang laki ng utang sa credit card niya. Maluho kasi ito. Nagkandaloko loko na. Hindi rin alam ni tita na kinuha pala ni Mary-ann yung mga titulo na nasa pangangalaga ni Tita Meling at sinulsulan ang tatay nitong isanla kay Don Alejandro.

Ang sabi daw nung dalawa, konti lang naman daw hiniram nila. Pero dahil sa apat na taon ng di nababayaran, lumobo ng husto yung utang nila dahil sa laki ng interest na ipinatong ng mayamang matanda.

"Isa pa yung tiyuhin mong yun eh! Hmp! Nanggigigil ako sa mag-amang iyon." Nanggigigil na turan niya.

"Ana..." Nangingilid ang luhang sambit ko. "Saan ako kukuha ng pera para matubos yung lupa namin ni mama?"

Naawa naman sa akin si Ana. Hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa.

"Best, tutulungan kita sa abot ng makakaya ko. Dito lang ako o." Naiiyak na rin ito sa pinagdaraanan ko.

"May ipon ako pero kulang yun eh." Agad kong pinunasan yung luhang dumaloy sa pisngi ko.

"May ipon din ako sa bangko. Kunin mo na lang yun." Aniya.

"Ilan ba yung ipon mo?" Tanong ko dito.

"Eh... mahigit P100,000.00 lang yata yun." Napakamot ito ng ulo.

May one hundred thousand si Ana, ako may mahigit four hundred thousand ako sa bank kasama na yung renumeration ko mula kay Abby at kay Mr. Baler. Pero...

"Kulang pa rin, best." Malungkot na saad ko. "Wala pa sa kalahati. One fourth lang yata nun eh."

Napabuntong hininga naman ito. "Hiram ka na lang kaya sa bank?" Suggestion niya.

"Ano iko-collateral ko?" Tanong ko naman. "Eh nasa ibang kamay nga yung titulo ko eh."

"Tsk." Palatak nito. "Kasuhan mo na lang kaya yung mag-ama?"

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon