Chapter 2 Camille

61.6K 1.3K 63
                                        

"It's not the future that you're afraid of. It's repeating the past that makes you anxious."


Camille POV


Nagising ako sa isang di familiar na kuwarto. Ang sakit sakit ng ulo ko na parang mabibiyak. Pakiramdam ko anytime soon sasabog na ang ulo ko sa sobrang sakit. I forced myself to get up. Hawak ko pa rin ang ulo ko. Nahulog ang kumot na nakatakip sa akin at gayun na lang ang aking pagkagulat.

Why on earth I'm naked?

At para namang sinagot ng pagkakataon ang katanungang naglalaro sa utak ko ng makarinig ako ng ungol sa tabi ko.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino yun. Isang magandang babae na himbing na himbing sa pagkakatulog habang nakadapa ito, yung mukha niya nakaharap sa side ko.

Bigla akong bumangon sa kama, hawak-hawak ang dulo ng kumot sa aking dibdib na parang dun nakasalalay ang buhay ko. Anong nangyare? Tanong ko sa aking isipan. Nagpapanic na ako sa loob-loob ko. Pinagmasdan ko ang babaeng himbing pa ring natutulog sa kama. Pilit ko inalala ang nangyare kagabi. Pero ang natatandaan ko lang eh nung nakilala ko to sa bar kagabi kung saan nag-celebrate si Ana ng birthday niya. Yung pagsasayaw naming dalawa, yung halikang naganap sa gitna ng dance floor. At pagkatapos nun ay inaya niya akong umalis dun at sumama naman ako. The last thing I remember eh nung sumakay kami sa kotse niya at pumunta kung saan.

Naguguluhan ako. Kahit sino naman iisipin na may nangyare sa amin ng babaeng 'to. Yung mga damit namin nagkalat sa sahig. Umungol ulit yung babae, na naalala ko ang pangalan na sinabi niya eh Dani. Agad-agad kong dinampot yung mga damit ko na nagkalat sa sahig.

May isa pa ko hinahanap. Yung panty ko! Saan napunta yun? Hay naku naman! Kung saan saan na siguro yon nahagis. Hinanap ko sa ilalim ng kama, wala. Iginala ko sa sahig wala talaga. Asan na yun? Nag-angat ako ng ulo at para akong nahiya bigla ng makita ko yun nakasabit sa ibabaw ng lampshade sa may tabi ng kama. Dali-dali ko iyong kinuha at mas mabilis pa sa alas kuwatro ako nagbihis at umalis na nang tuluyan sa kuwartong yun.

Dahan-dahan ko sinara yung pinto baka tuluyan ng magising yung babae. Pagkasara ko sa pinto doon ko nalaman na nasa isang hotel pala kami. Pagkababa ko ng ground floor ay mabilis ako naglakad papunta sa labas ng hotel at pumara ng taxi. Di na ko nag-abala pang tingnan kung anong pangalan nung hotel. Pagkasakay ko sa taxi at sinabi kung saan ako uuwi, napapikit ako at huminga ng malalim.

Ano ba itong kagagahang ginawa ko? Stupid! Sisi ko sa aking sarili. And I promised not to get drunk again.

"Best?" Untag sa akin ni Ana. "Hoy!" Sabi pa niya sa akin.

"Ha?" Wala sa sariling tumingin ako sa kanya.

Mataman siyang tumingin sa akin at tsaka umiling-iling na nagpatuloy sa pagkain. Lunch break namin at dito kami sa MOA kumain. Malapit lang naman kasi dito yung building ng opisina namin.

"Sabi na eh lumilipad na naman yang utak mo." Sabi nito. "Dada ako ng dada dito di pala ako pinapakinggan ng kasama ko."

"Sorry." Maikling sabi ko. "Ano na nga ulit yung sinasabi mo?"

"Hay naku!" Inis na sambit nito. "Uulitin ko pa ngayon?"

Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis at hinawakan ko yung kamay niya.

"Sige na ulitin mo na. Please?" I gave her my best puppy eyes. Wala na 'tong magagawa pa pag ganun ako.

"Oo na. Oo na. Basta makinig ka na, PLEASE?"

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon