Chapter 16 Confusion

49.7K 1.1K 64
                                        

"Love is not for the eyes to see but it's for the heart to feel."

Camille POV

Ilang araw na rin ang nakakalipas mula ng mai-launch ang Ads ng clothing brand ni Abby. We must say, successful ang kinalabasan nito. Pinag-usapan ito sa social media and pati na sa newspapers. May negativr reviews and feedbacks but it didn't overcome the positive reviews. Mas madaming nagkagusto dito at yung mga billboards na nilagay sa gilid ng mga kalsada at pati na sa magazines, head turner talaga. Some will stop and look or even stare at the print ads. It was a huge breakthrough para sa isang naghihingalong advertising company ang nai-launch namin. And to Abby's brand? Mas lalo itong naging sikat. Nag-pay off talaga ang paghihirap namin, and we all know, this is just the beginning.

"Grabe best!" Untag sa akin ni Ana nung nasa MOA kami.

Kakatapos lang work namin ngayong araw at naisipan naming magkape muna dito sa loob ng mall.

"Bakit?" Takang tanong ko dito. Busy ito sa pagfe-facebook, habang ako busy sa paghigop ng kape.

Actually gusto ko na nga umalis dito at makauwi na ng bahay. Kasi naman yung ibang tao kung makatingin sa amin wagas, parang wala ngbukas.

As a part kasi ng paglalaunch namin nung product ni Abby, kailangan naming ipakita ang support namin dito. That's a part of marketing strategy, sabi ni Danielle. Kaya naman heto eeeerrr suot-suot namin sa office yung damit na ang print ay yung picture namin ni Dani na nakatakip lang ng kumot habang magkayakap. At di na kami nagpalit ni Ana nung pumunta kami dito para sana mag-unwind.

"You won't believe this, Cami!" Eksaheradang wika nito. Nagtatanong na tumingin lang ako sa kanya. "Ang sikat niyo na ni Dani sa facebook!"

"Ows?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Look!" Binigay niya sa akin yung phone niya kung saan siya nag log insa facebook.

Dami na nga nag-like at nag share nung pictures namin ni Dani with Absolut brand. Dami na ring nag-comment. Ibinalik ko naman kay Ana yung fone niya.

"Di naman masyado ikaw talaga. Syempre yung brand ang sikat diyan." Katwiran ko dito.

"Hindi kaya!" Depensa naman niya. "Syempre kasama na kayo ni Dani dun." Dagdag pa niya. "Isa pa, ang daming nagko-comment na bagay na bagay kayong dalawa."

I don't know pero parang nasiyahan ako dun sa sinabi ni Ana sa akin. Bagay daw kami ni Danielle?

Hmmm... may maglaladlad na ba? Asar sa akin ng aking isipan.

Ipinilig ko ang aking ulo. Di pwede. Di naman ako lesbian. And I'm not into girls. Maybe I feel this way towards Dani dahil na rin sa nangyari sa amin dati. Wala ako gusto sa kanya. Wala!

Is it real? Is it real? Dan-dan-dan-da- Danielle.

Hay naku kantahan ka ba naman ng sikat na advertisement ng Kramer family na Nesfruta.

Ah basta! Wala akong gusto sa babaeng yun. Period.

"O best? Anyare sayo diyan?" Takang tanong sa akin ni Ana na tinigil na ang pagfe-facebook.

"Wala." Tipid na sagot ko.

"Wala ka diyan! Eh ba't nakasambakol yang mukha mo?"

"Your voice, Ana." Saway ko dito. Panu ang lakas magsalita parang nagtatawag ng bibili ng paninda niya. "Para kang nagtatawag na mamimili."

"Ano naman titinda ko? Biyak na bibingka? Fresh mani?" Ang mahalay na sabi nito.

"Gaga!" Nanindig yata balahibo ko dito sa mahaderang babaeng ito. "Kung anu-ano pinagsasabi mo diyan di ka na nahiya."

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon