"Be careful who you pretend to be, you might forget the true you are."
Camille POV
"Eh naman kasi!" Nayayamot na reklamo ko kay Ana.
Hindi ko alam kung pangatlo o pang-apat na beses ko nang sinasabi ang linyang Good morning ma'am Danielle o di kaya naman Here's my report for this month, ma'am. Hay naku. Nakakapagod pala mag rehearse, lalo na't di naman ako um-attend nung high school o college ng drama club or kahit na anong club pa yung mga yun. Ako kasi yung tipong nerdy nerdy noon.
"Kaya mo yan!" Pampalakas loob naman niya sa akin.
Nandito kasi kami ngayon sa bahay nagpapraktis kung paano ako dapat kumilos o makitungo kay Danielle ng hindi nag-e-stammer or nenerbiyos. Nagkandautal utal lang naman ako nung kinausap niya kaming mga heads ng hapong iyon tungkol dun sa mga reports namin for the past three months. Na- are you okay? Tuloy niya ako na ikinatawa naman ng mga kasamahan kong department heads. Haist kahiya talaga!
Kaya ngayong Linggo, walang pasok at wala din naman akong pupuntahan, hinayaan ko itong si Ana na ensayuhin ako kung paano umakto ng normal sa harap ni Danielle. Ayoko naman na sa tuwing magkakaharap kami ay para akong di maihing pusa sa harap niya. Nakakahiya tsaka baka mamya makahalata.
"Isa pa." Narinig kong sabi ni Ana.
Huminga ako ng malalim at kinuha yung props naming folder. Tumayo ako ng tuwid at kunwaring kaharap ko ngayon si Danielle.
"Good morning ma'am Danielle." Sabi ko sa malambot na tinig sabay ngiti. "Here's my report for this month."
Narinig ko namang humagalpak sa tawa si Ana habang nakaupo sa sofa at pinapanood ako. Para tuloy siyang direktor sa isang pelikula. Tiningnan ko nga siya ng masama.
"Di ba yun naman ang itinuro mo sa akin?" Ngani-ngani ko ng upakan 'tong babaeng 'to.
"Oo, pero hindi ganun." Sabi nito na tatawa tawa pa.
Kabagan ka sana, hmp. Inis kung sambit sa isip ko.
"Anong ganun?"
"Yung ganun. Yung para kang nang se-seduce." Sagot naman niya.
"Seduce seduce ka diyan!" Kunwa'y inis kong sabi para pagtakpan yung pamumula ko.
Tumawa na naman siya. "Eh baka imbes na i-tackle ninyong dalawa yung report mo for this month sa loob ng opisina niya, baka masundan pa yung ginawa ninyo dati."
"Anastacia!" Inis ko nang bigkas sa buong pangalan niya.
Bigla naman siyang tumigil sa pagtawa, although pinipigilan niya talaga. "Uy, best. Nagba-blush ka na ba sa lagay na yan?" Puna nito.
"Isa!" Sigaw ko dito na nakapameywang na sa harapan niya.
Itinaas niya ang kanyang dalawang kamay sa ere na animo'y hino-hold up. "Oo na, oo na. Titigil na po."
"Mabuti naman." Inayos ko yung buhok ko na biglang tumabing sa mukha ko.
"Ayusin mo kasi. Dapat yung casual lang, hindi yung ganun kahinhin. Yung pang business lang ang dating."
Kung hindi ko lang talaga kailangan maging maayos sa harap ni Danielle nunca na pagbibigyan ko ang kabaliwan nitong kaibigan ko. Kailangan ko kasi mag-present kay Danielle bukas tungkol sa report ko ngayong buwan na 'to. Nakita at napag-aralan na daw kasi niya yung mga ibinigay ko na reports nung nakaraan at kailangan daw may baguhin para mas lalong gumanda ang serbisyo ng kompanya at mas maka-engganyo pa kami ng mga kliyente.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomanceCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...