Chapter 26 Embrace It

42.8K 1.1K 131
                                        

"I feel like everything in my life has led me to you. My choices, my heartbreaks, my regrets. Everything. And when we're together, my past seems worth it. Because if I had done one thing differently, I might have never met you."


Camille POV


Hindi ko talaga napigilan yung inis ko kanina at napagdabogan ko si Danielle. Eh paano naman ang landi landi ng Rebecca Baler na yun at pumapayag naman siya. Akala mo naman sa kanya si Dani. Nakakainis!

Napakamot ako sa buhok ko at napaupo na naman sa kama. Napatingin ako sa digital clock sa bedside table ko. Alas dos na ng madaling araw at hanggang ngayon di pa ako nadalaw ng antok simula ng maihatid ako kaninang past eleven ni Danielle. Haist ano ba!

Hindi ko kasi talaga mapigilang mag-isip ng kung anu-ano ngayon lalo na't magkasama silang umalis kanina. Malay ko ba kung ano na ang ginagawa nila ngayon. Samo't saring imahe nilang dalawa ang tumatakbo sa utak ko... at hindi yun maganda. Nakakawindang!

Ilang beses na bang bumangon ako saka humiga tapos bumangon ulit? Tatlong beses na yata. Ginugulo ako ng utak ko sa isiping magkasama sina Danielle at Rebecca.

Ay hindi man lang ako kinakausap kanina ni Danielle. Paminsan-minsan lang niya ako kinikibo, kung kinakailangan lang. Isa pa, busy siya sa pakikipaglampungan sa babaeng yun. Halata pang nagpapakaplastik sa akin.

Maaaring nagtatampo si Danielle sa akin dahil sa pagtanggi ko sa alok niya. Buong akala ko nga nagalit ito sa akin dahil hindi pumasok sa opisina at maghapong di ko siya nakita.

Pero pagkakita ko sa kanya nung sinundo niya ako, mukhang okay naman siya. Sabagay, sino ba naman kasi ako sa kanya di ba?

Siguro nga nagpapakasaya na ngayon yung dalawa sa piling ng isa't isa. Pang-aasar pa ng utak ko.

Pag pumipikit kasi ako, yung mukha nilang masaya ang nakikita ko, tapos naghahalikan, magkayakap sila, tapos...

Hay tama na pwede ba?! Patulugin niyo na ako! Patahimikin niya na ako!

Kinabukasan ng pumasok ako sa opisina, para akong lutang. Paano wala akong tulog. Buti na lang may make-up kung hindi para akong naglalakad ng zombie.

"Anyare sayo?" Takang tanong sa akin ni Ana ng magkasalubong kami sa hallway ng floor ko.

"Wala." Sagot ko sa kanya. "Puyat lang." Dahilan ko dito. "Saan ang punta mo?"

"Ah may ibibigay lang ako kay Peter." Sabay taas nung hawak na red folder sa kamay. "Approved na yung budget nila sa creative department."

"Ba't di ka na lang nag-utos?" Tanong ko sa kanya.

"Ako na lang. Para naman makakita ako ng zombie este tao." Sabi niyang may himig panunukso.

"Eh sa gabi na ng matapos yung event eh." Depensa ko.

Pinakatitigan nga ako ng luka-luka. "Lunch tayo mamaya?" Kapagkuwa'y tanong na lang niya sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya at nagpatuloy ng naglakad papunta sa opisina ko. Buti na lang at hindi na ito nag-usisa pa.

Pagdating naman sa opisina, hindi na naman ako makapag-concentrate. Iniisip ko pa rin yung nangyari kagabi at aaminin ko na sa sarili ko, nagseselos ako ng sobra kagabi! I want Danielle to myself... alone!

Pero may karapatan ba ako? Wala di ba?

---------------------

"So kumusta naman yung launching last night?" Tanong sa akin ni Ana.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon