Chapter 30 Amazed By You

45.6K 1K 102
                                        

"I'm amazed when I look at you. Not just because of your looks but because of the fact that everything I've ever wanted is right in front of me."

Danielle POV

Hindi ko mapigilang mapangiti ng gawaran ako ni Camille ng masuyong halik sa labi habang inaakala niya na natutulog ako.

First time yun since nagkita ulit kami na siya mismo humalik sa akin. Napadilat ako sa isiping iyon. Ang saya ng pakiramdam ko.

Yung pagod ko sa pagmamaneho biglang nawala lahat eh! Paano pa kaya kung totoong halik yung ibinigay niya?

Magpa-party ka! Panunukso ng isipan ko.

Di na tuloy ako nakatulog. Papahinga pa sana ako eh pero sabi ko nga isang halik lang no Camille, nawala lahat ng pagod at pati yung di ko maiwasang tampo sa kanya.

Kahit naman sabihing naiintindihan ko na nag-aalangan siyang sabihin sa tita niya na ikinasal siya sa akin, di ko pa rin naman maiwasang makaramdam ng tampo. Tao pa rin naman ako 'no.

Para pa ngang nararamdaman ko yung labi niya sa labi ko. Yay! Para akong batang pagulong-gulong sa kama. Timang lang?

Naalala ko pa yung sinabi ni Ana kahapon ng kausapin ko siya tungkol sa biglaang kasal namin ni Camille. Ganun pala yun pag nagugulat? Nagwawala sa ingay? Para pa yata akong nabingi sa kanya.

And I admire Ana sa loyalty nito kay Camille. Ayaw kasi niya magsalita in behalf of Camille especially pag puso na daw pinag-uusapan. Mas maganda daw na ako magtanong kay Camille kung may gusto din siya sa akin.

Pero kagaya nga ng sabi ni Abby, saksakan ako ng torpe. Bakit ba kasi kapag real feelings na pinag-uusapan, ang hirap sabihin? Especially kung sa taong mahal mo na talaga sasabihin.

Sundin ko na lang kaya yung payo ni Ana? Na kapag daw si ko kayang sabihin kay Camille, iparamdam ko na lang daw sa kanya. Pero dapat daw yung obvious kasi minsan manhid daw ang bestfriend niya. Luka luka din eh. Tanong ko naman sa kanya kung papaano, alam mo ba kung anong sagot? BDO We find ways.

Napapailing-iling ako na nangingiti sa kanya. Camille's lucky to have her as a friend. Konti na lang kasi ang mga ganung kaibigan. Na laging andiyan through thick and thin.

Pinalipas ko muna ang isa't kalahating oras bago bumaba. Para di isipin ni Camille na gising ako kaninang ginawaran niya ako ng halik. Ayoko din naman siyang mapahiya. Nagpalit muna ako ng damit at tsaka bumaba na.

Hinanap ko si Camille sa sala pero wala siya dun. I tried the kitchen, naabutan ko sila ni Tita Meling na nagpe-prepare for dinner.

"May maitutulong ba ako?" Tanong ko sa kanila.

Ngumiti naman si Camille sa akin. "Kaya na namin 'to." Sagot niya na abala sa pagbabalat ng kalabasa.

"Okay." Di na ako nagpumilit pa.

Pinanood ko na lang si Camille sa ginagawa niya. Si tita Meling naman busy sa paghihiwa ng karne ng baboy.

"Kanino yung car sa lab--" Bungad ng isang babae sa pintuan ng kusina.

Di na niya naituloy iyon ng makita si Camille. Kami namang tatlo ay sabay-sabay na napatingin sa kanya.

"You're here." Nakataas ang isang kilay at mataray na sabi nung babae.

She must be Mary-ann. Bulong ko sa sarili ko.

"Mary-ann!" Galit na saway naman sa kanya ng ina.

So tama ako. Siya nga. Sabi ko sa isipan.

"Good to see you, Me-an." Kalmadong sabi ni Camille.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon