"Someday, someone will walk into your life and makes you realize why it never worked out with anyone else."
Camille POV
"I love you." Sambit ko kay Danielle.
Nakangiti siyang tumingin sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko.
"I love you too, Camille." Buong puso niyang sabi sa akin.
Isang malawak na ngiti ang isinukli ko sa kanya. Ang sarap lang sa feeling. Pakiramdam ko nakalutang ako sa alapaap.
Pero parang bigla yun naglaho ng maramdaman ko ang isang malakas na yugyog sa balikat ko.
"Hoy, Camille!" Parang narinig ko ang boses ni Ana.
Teka? Nasan ba ako? Akala ko ba kasama ko si Danielle? Di ba sabi pa nga niya mahal niya ako?
"Camille Leonzon gising!!!" Malakas na sabi niya sabay yugyog ulit sa akin.
Pupungas-pungas na nagmulat ako ng mga mata. Panaginip lang pala iyon? Haist naman akala ko totoo na eh.
Isa pa itong si Ana panira talaga. Hmp! Ano na naman ba kasi ginagawa niya dito sa opisina ko?
"Sleeping while on duty yang ginagawa mo ha?" Parang nanay ko kung pagsabihan ako nito. "Di yan pwede dito, Camille."
"Eh sa puyat ako ano magagawa ko?" Depensa ko naman.
Pagkatapos ng kasal kagabi, umuwi na kami ni Danielle sa bahay ko. And I must admit, kahit naman di ako ready dahil nga biglaan yung mga pangyayari, di ko pa rin mapigilang madismaya. Ano kasi eh... uhm... ano...
Dahil di ka tinabihan? Pagtatapos ng utak ko.
Napabuntong hininga ako. Nahihiya naman akong sabihin na dun na lang siya sa kama matulog tutal kasal na naman kami pero yung ano... yung ginagawa ng bagong kasal, yun di pa ako handa dun.
Nung makaalis na siya ng kuwarto at bumaba na si Danielle, di na ako nakatulog. Sa kakaisip sa mga nangyari at sa kanya. Kaya naman di ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa ibabaw ng mesa ko ngayon.
"Ba't ka na naman puyat?" Takang tanong niya at umupo sa harap ng table ko at busy nagtatype sa cellphone niya.
Ay oo nga pala. Hindi pa alam ni Ana na kasal na ako kay Danielle. Di ko pa pala nasasabi sa kanya.
"Ano kasi...uhm..." Di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ng di na naman siya magwawala sa gulat. Pero sa tingin ko naman kahit sa anong way ko sabihin sa kanya magugulat pa rin siya eh. So bahala na. Tatakpan ko na lang yung tenga ko baka mabingi ako dito. "Kasal na ako kay Dani." Mahinang dugtong ko pero alam kong sapat na yun para marinig niya.
Pumikit ako at tsaka nagtakip ng tenga. Inaasahan ko ang malakas nitong boses. Nang wala ako marinig mula sa kanya, iminulat ko ang isa kong mata para tingnan siya. Busy lang ito sa pagtatype sa cellphone niya na nakangiti pa.
"Narinig mo ba yung sinabi ko?" Kunot noong tanong ko sa kanya na dilat na ang dalawa kong mata at wala na ring takip ang aking tenga.
"Narinig." Sabi niya pero sa cellphone lang niya ito nakatingin. At nakangiti pa ang luka luka!
"Hindi ka ba nagulat sa sinabi ko?" Nagtatakang tanong ko. "Hindi ka ba magwawala sa gulat sa narinig mo?" Dagdag ko pa.
"Hindi." Sabi niya pero di pa rin sa akin nakatingin.
"Ha?" Naguguluhan na talaga ako kay Ana. "Bakit?"
Binaba na niya yung cellphone niya saka tumingin sa akin. "Nasabi na kasi ni Dani sa akin kanina." Saad niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomantizmCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...