Chapter 12 Under the Sheets

61.1K 1.2K 116
                                        

"You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams."


Camille POV


Nagising ako sa init ng sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ng aking kuwarto. Pilit kong iminumulat ang antok na antok ko pang mga mata. Hindi ko na matandaan kung anong oras ako nakatulog pagkatapos ng insidente sa may kusina.

Nag-inat ako sabay hikab. Tinatamad na tiningnan ko ang oras, mag-aalas otso y medya na ng umaga. Buti na lang Sabado ngayon at walang pasok sa trabaho, kundi super duper late na ako. Nang makabangon ako, agad ko inayos ang aking higaan at nagtungo sa banyo. May sariling banyo ang kuwarto ko, at meron din banyo sa may kusina.

Pababa pa lang ako ng hagdan ay langhap ko na ang amoy ng prinipitong hotdog sa may kusina. Nakita ko ang ginamit ni Danielle na kumot sa sofa, maayos ng nakapatong ang natuping kumot sa may unan. Tumuloy na ako sa kusina pagkatapos.

"Good morning." Bati ko sa sexy na babaeng naka-apron at busy sa pagpriprito ng hotdog.

Lumingon ito at ngumiti sa akin. "Good morning." At tsaka ibinalik na sa niluluto ang atensyon.

Sumandal ako sa may pader at pinagmasdan ito. Ang haba ng legs nito na exposed sa boxer shorts na suot niya. Nakakaakit ang bawat galaw niya na para bang sinasabing, halika at yakapin mo ako.

I shook my head fervently. Grabe ang aga aga ganun ang pumapasok sa isip ko. Ene be nemen yen? Nakakahiya, haist!

"Are you hungry?" Tanong nito habang isinasalin ang luto ng hotdog sa lalagyanan.

"Uhm... medyo." Sabi ko. Pumunta na ako sa may counter at nagtimpla ng kape. "Coffee?" Tanong ko dito.

Umiling siya sa akin. "Tapos na ako."

Nakahain na siya ng dumulog ako sa hapag-kainan. Hindi na ako nagtaka kung bakit ito marunong magluto dahil di naman uso ang maid sa pinanggalingan niya. At sa itsura niya, alam mong mas gusto nitong maging independent.

Tahimik kaming kumain ng agahan. Parang pareho kaming nahihiyang magbukas ng usapan. Ngunit nung bigla ako nag-angat ng tingin, nahuli ko siyang nakatitig sa akin.

"M-may dumi ba ako sa mukha?" Parang bigla tuloy ako na- conscious. Nagsisisi tuloy ako na di pa naligo bago bumaba.

She cleared her throat. "Actually," Pabitin na sabi nito at nangingiting nagbaba ng tingin at tumusok ng hotdog. "May muta ka."

"Ha?" Nagulat namang sabi ko saka ko bigla hinawakan yung mata ko at nagpunas punas. Hala nakakahiya naman!

Napansin kong yumuyugyog ang balikat niya. Napatigil ako sa pagpupunas ng mukha at tiningnan siya. Tumatawa ba siya?

"Hmp!" Hinampas ko nga siya sa braso.

"Ouch!" Maarteng sabi niya sabay hawak sa braso.

"Eh nakakainis ka! Ang aga-aga nang-aasar ka diyan." Sabay irap ko dito.

Tumawa pa ang loko! "Eh panu naman ang cute cute cute mo pala pag bagong gising."

"Ginawa mo pa akong aso." Inis na sabi ko dito pero deep inside eeeeeh kinikilig yata ako.

Yata? Isip na naman. Di sure teh?

Hay basta! Wala ng kontra!

Tumawa ulit ito. "Of course not!" Ang ngiti niya ay umaabot hanggang sa kanyang mga mata. "You're far more adorable than that."

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon