"Before I met you, I never knew what it was like to be able to look at someone and smile for no reason."
Camille POV
Para akong tangang nakatingin lang sa malayo habang ang mga kamay ko ay nasa baba ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Danielle kung bakit siya pumunta sa bahay ng gabing gabi na. At nakainom pa!
Eh paano kung may nangyaring masama sa kanya? Hay! Oo na nag-alala ako sa kanya talaga kagabi kaya di muna ako natulog hangga't wala siyang text message o tawag na nagsasabing nakarating na siya sa bahay niya.
Di ko pa rin talaga maintindihan yung nararamdaman ko sa kanya. Isa pa, ang gulo din niya minsan eh. At ang isa pa ha, bakit ba ang big deal sa kanya kung nakikipag-usap, sinusundo ako or nililigawan ulit ako ni Francis?
Alam mo naman ang sagot diyan eh. Kunwari ka pa? Sagot ng mahadera kong utak.
Pero imposibleng magkagusto sa akin si Danielle. Sino ba naman ako, di ba? Isang hamak na maganda lang naman. Choss!
Pero imposible talaga eh. Tsaka hangga't wala siyang sinasabi, hindi ako maniniwala sa hinala ko. Tsaka madami kayang namamatay sa maling akala. Kung meron man ako isa natutunan sa buhay, yun ay ang maging sigurista!
Biglang tumunog yung intercom ko. Si Claire. Pinindot ko yung receiving button.
"Yes, Claire?"
"Need ka na daw sa office ni ma'am Danielle, Camille." Sagot niya.
"Okay." I said and I went out of my office.
Nang makarating ako sa opisina ni Dani, nakita kong may kasama siyang tatlong lalaki na sa tingin ko ay sina Mr. Baler, yung company Attorney nila na nalaman ko sa pangalang Atty. Andrada, and si Atty. Nathaniel Alejandrino, abogado din ng kompanya. Nasabi na sa akin ni Danielle kaninang umaga na pupunta sila ngayong hapon for contract signing and to finally meet me.
Usual na batian at pakilala sa simula. Both attorneys brief us all about what stated in the contract we're going to sign. Okay lang naman yung nilalaman wala namang mabigat na sinasaad dun na hindi dapat gawin and no rights has been violated. Nagulat din ako sa magiging renumeration namin ni Danielle na nakasulat dun. Ganito ba talaga ang sahod ng model? Malaki din naman ang sahod ko dito sa kompanya pero... mas malaki kaya yun. No wonder madaming may gusto maging model o di kaya artista.
Nang makapirma na kami ng kontrata, nagkamayan kami to seal the deal. Official nang kami na ang may hawak ng rights to perform and release their Ads. Pagkatapos nun, ay tinawag ni Danielle si Peter para mapag-usapan na yung gustong gawin sa Ad ng toothpaste na product ni Mr. Baler. Ilang saglit pa'y dumating na din si Peter.
"So what's your idea with the advertisement?" Tanong sa amin ni Mr. Baler.
Si Peter ang sumagot dito. "Danielle met Camille sa isang bar, and she never forgot how she smiled at her."
Teka teka teka. Ba't parang familiar yung kwento?
"Hmmm... I'm getting the picture in my head already." Nakangiting sabi ni Mr. Baler. "Go on."
"And then she didn't saw her again dun sa bar pagkatapos. She looked for her pero di na niya talaga ulit ito nakita." Sagot naman ni Peter. "And then kinabukasan sa beach, sunset yung setting, nakita niya ulit si Camille dun. Smiling at her and then nilapitan niya. Kapwa sila napangiti nung finally nagkakilala na sila. Yung moment na yun ang ika-capture namin for the print Ads naman." Paliwanag ni Peter.
"Maganda." Sagot ni Mr. Baler. "Can I add more scene?" Tanong niya kay Danielle.
"Yeah sure. Your idea is important in this project." Danielle answered.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Storie d'amoreCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...