"You have no idea how hard it is to force myself to stop thinking about you sometimes."
Danielle POV
"Are you kidding me?" Tanong sa akin ni Tito Arnel nung sinabi ko sa kanyang ikasal kami ni Camille.
Para kasi mapatunayan ko kay Camille na seryoso ako sa sinabi ko na gusto ko siyang pakasalan.
Pero nagulat itong si Tito Arnel at bigla-bigla ba naman akong susulpot sa bahay niya para sabihing ikasal kami ni Camille. Sabagay, sino bang di magugulat? Ako nga din minsan nagugulat ako sa mga desisyon ko eh, lalo na yung mga bagay na pagdating kay Camille.
"No I'm dead serious, tito." Sagot ko sa kanya.
Sinulyapan ko si Camille na nasa living room nila tito at kausap yung asawa niyang si tita Erolyn.
"What's the rush?" Takang tanong sa akin ni Tito.
Si Tito ay isang judge kaya naman sa kanya ako tumakbo ng gabing iyon.
"I..." Umurong yata yung dila ko. "I can't live without her."
"Ha?" Para naman itong naguluhan sa sinabi ko.
"I want to be sure she's going to be mine." Bakit di na lang kasi sabihin yung totoo? Huminga ako ng malalim. "And... I love her." Hayun! "So much."
Tinitigan niya ako sa mata. Si tito ay second cousin ni mama. Kilala na niya ako mula pa pagkabata. And I know, he knew I'm serious and determine to marry Camille tonight.
Bumuntong-hininga siya. "Alam mo namang di pa legal dito ang kasal ng same sex sa Pinas di ba?" Nasabi niya sa akin. "Kaya kahit kasalin ko kayo ngayon, wala ding bisa."
"I know." Of course alam ko naman yun eh. Kaya lang, at least with this representation, Camille will know I am serious. "We'll get married naman sa US eh."
"Then why the rush if you have plan to get married in US?" Di pa rin niya ma-gets.
"Dahil may kaagaw ako sa kanya." Dahilan ko. I hope this will work.
I'm sorry tito. I'll make it up to you... soon. Nakokonsensyang sabi ko.
Anyway, meron naman talaga ako kaagaw kay Camille eh. Si impaktong Francis.
Ang lalim nung hinigit niyang hininga. "Alright." Sa wakas pumayag na rin ito. "Do you have a ring?"
Nakangiting tumango ako sa kanya. Actually, kanina tumingin tingin ako ng ring sa may jewelry shop na pag-aari nung nakausap ko kaninang prospective client. I hope kasya ito kay Camille. Buti na lang dinala ko.
"Siya sige." Sabi niya. "Doon tayo sa study room ko."
Nagpatiuna na itong bumalik sa living room nila, nakita ko namang wala dun si Camille. Bigla tuloy akong kinabahan. Nagbago na ba ang isip niya?
"Where's Camille tita?" Kinakabahang tanong ko.
Ngumiti naman si tita sa akin. "Nagpaalam na magc-cr lang daw sandali."
"Why?" I heard Camille's voice.
Nang lingonin ko siya ay may pag-aalala sa mukha nito. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Nothing." Sagot ko sabay halik sa noo niya. "I thought you've runaway."
"Ha?" Kunot-noong tanong niya ng tingalain ako.
Ngumiti lang ako bilang pagsagot sa kanya. Maya-maya pa ay lumapit na sa amin ang mag-asawa.
"Tayo na sa taas." Sabi ni tito sa amin.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomanceCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...
