"Love comes the least you expect it."
Camille POV
Nayayamot na naman ako dito sa gilid ng kalsada sa tagal ko ng nag-aabang ng masasakyan. Napatingin ako sa relo ko, 7:33 A.M. na. Pag di pa ako nakasakay in two minutes late na naman ako. Haist, kung sakali dalawang beses na ako late this month.
Napadako ako ng tingin sa kabilang kanto sa may paradahan ng pedicab. Hangga't maari ayoko na ulit sumakay sa pedicab. Last week, nung first time ko sumakay sa pedicab eh, nasira ang araw ko. Di naman sa maarte ako, mas convenient kasi minsan ang sumakay sa taxi.
Nagkanda-haba haba na yata ang leeg ko sa kakasulyap kung may sakay o wala yung taxi. Minsan naman kasi yung ibang taxi wala namang nakalagay kung vacant. Napakamot tuloy ako ng noo. Ng walang anu-ano'y may huminto sa harapan ko na itim na kotse. Di ko naman maaninag kung sino sakay nito dahil tinted yung salamin. Nagulat na lang ako ng bumaba ang salamin nito sa may driver side at nakangiting mukha ni Danielle ang bumungad sa akin.
"Camille, lika na sakay ka na sa akin." Sabi nito.
Ano daw? Sakyan ko na daw siya? Gaga! Ibig niya sabihin sa kotse! Sabi naman ng mahadera kong utak.
"Ah, eh, ma'am o-okay lang po." Pakipot ka pa! Tuya sa akin ng aking isipan.
"Come on! Hop in." Binuksan na nito ang pinto at bumaba pa ng kotse. Umikot siya sa may passenger side at binuksan ito. "I insist." Sabay kindat pa sa akin na tudo ang ngiti.
Nahulog yata yung puso ko sa kanal. Pakihanap po please. Maarteng sabi ng inner self ko.
"Okay." Sabi ko na lang.
Wala na ako magawa eh, bukod sa pinagbuksan na ako ng pinto ng kanyang napakagarang kotse, boss ko pa siya. Dahilan ko naman.
Hoo! Kunwari ka pa eh! Gusto mo din naman!
"Are you saying something?" Kunot-noong tanong sa akin ni Danielle na di ko namalayang nakasakay na pala sa may driver's side.
"Ha? Ah eh, wala." Alanganing ngiti ko sa kanya. "Wala po ma'am."
Sinuot na niya ang kanyang seatbelt. Ii-start na sana niya yung makina ng mapansing di ko pa pala naikakabit yung seat-belt ko.
"You should fasten your seat-belt for your safety." Sabi nito habang inaabot yung belt at ito na ang ngkabit para sa akin.
Di ko tuloy naiwasang mapasinghap nung makita kong ang lapit ng mukha niya sa mukha ko at naamoy ko ang kanyang pabango. Bigla namang bumilis ang pintig ng puso ko.
Bawas-bawasan ko na nga lang ang pagkakape. Kung dati, apat na beses ako nagkakape sa isang araw, ngayon, tatlo na lang.
"Are you okay?" Sabay sulyap sa akin ni Danielle ng simulan na naming baybayin ang kalsada papuntang opisina.
"Y-yes, ma'am." At nainis akong palihim sa sarili ko dahil sa pagkakautal ko na naman sa harapan niya.
Tumawa siya ng mahina. "Di ba I told you to feel at ease with me? Ba't ba parang ilang na ilang ka sa akin?" Nakangiti niyang tanong pero nakatuon naman ang paningin sa kalsada.
Seriously? Di mo alam? Hmp! Ngani-ngani ko ng sinabi sa kanya. "Eh kasi ma'am ---"
"And would you please stop calling me ma'am?" Sabi nito na saglit lang sumulyap sa akin. "Just call me Dani when it's just the two of us."
So gusto mo tawagin na kitang Dani ngayon? Gayong di mo man lang maalala kung ano nangyari sa atin dati. Nakakainis.
"Okay... Dani." Sabi ko na lang.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomanceCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...
