Chapter 5 Danielle

53.8K 1.3K 160
                                        

"Don't look for love, let love find you."

Danielle POV

"Dani, let's go some bar hopping tonight!" Sigaw ng pinsan kong si Abby nung nasa kotse na siya.

"Sure." I said back smiling and yun lang at umalis na ito.

Dumating kami dito sa Pinas yesterday to celebrate my mom's birthday. Pero next week pa yung birthday niya. I'm with dad, mom and my brother Sean. Pansamantalang dito muna kami sa old house namin sa Manila. Sa Ontario, Canada kami nakatira, pero umuuwi pa rin kami dito sa Pilipinas to visit my grandparents.

My mom is a Filipina and my dad is Scottish. Kaya half-half kami ni Sean. He's one year older than me. Dadalawa lang kami magkapatid. Taga-Batangas ang mommy ko at may hacienda ang lolo ko dun. My mom came from a well known family in Batangas, and my dad is a business tycoon sa Canada. I also have my own company. My brother Sean is my dad's apprentice. Kasi siya ang susunod na mamamahala once my father get older and di na niya kaya patakbuhin yung mga companies niya.

And there, my cousin Abby. She's the closest cousin I've ever had. I have other cousin too, her name is Alexandra. Siya ang pinaka-istrikto sa aming tatlo. Para nang kapatid turingan namin sa isa't isa. She's working in Makati. May sarili siyang clothing line dun.

At ngayon nga inaya niya ako mag bar since ngayon na lang ulit kami nagkita. Halos mahigit isang taon din kaming di nagkita in person, although nagkakausap naman kami through facetime or skype pag may time. Pero iba pa rin kapag nagkikita at nagkakausap ng personal.

-----------------

Kinagabihan, nag-usap kami ni Abby na magkikita na lang kami sa bar sa may Pasay along CCP  Complex daw. Kahit papaano alam ko din naman pasikot sikot dito sa Pasay. After kung mai-park yung sasakyan ko, pumasok na ako sa bar. Nilibot ko ang paningin ko and di pa masyado ganun kadaming tao. Wala pa sila Abby. Sabi kasi niyang magdadala siya ng mga kaibigan para daw mas masaya. The more the merrier as they say. Pumwesto ako sa table sa may malapit sa entrance para mas madali ako makita nila Abby.

Mga ilang minuto din ang nakalipas ng dumating si Abby kasama ang tatlo pa niyang mga kaibigang sina Marie, Courtney at Joanne. We ordered our drinks muna kumbaga nagpapakondisyon para daw sa hatawan mamya. Although sa ibang bansa ako lumaki, hindi naman ako yung taong mahilig mapunta sa mga bar, pero di rin naman ako KJ.

I felt hypnotized when I saw this woman na papasok sa loob ng bar. She's wearing a green black casual dress na bumagay sa makinis at maputing kutis nito. Her dirty blonde hair's swaying while she's walking. Maybe she's around 5'6" tall. She has this mysterious effect on me. Sinundan ko talaga siya ng tingin hanggang sa makahanap sila ng pwesto kasama ang tatlo pa siguro nitong kaibigan three tables away from us. Mula nung pumasok ito di ko na maalis alis ang tingin ko sa kanya. Para itong malungkot na di ko alam. Nakita ko nga nung ayain siya ng tatlo niyang kasama para sumayaw sa dancefloor pero umiling lang ito. Umiinom lang siya habang nanonood sa mga sumasayaw. Pero parang wala naman dun ang atensyon niya.

"Cous, baka matunaw na yang tinitingnan mo ha? Kanina ka pa diyan tahimik." Puna sa akin ni Abby.

She knows I'm into girls. Isa akong dakilang lesbian, haha. "Gorgeous, isn't she?" Tanong ko sa kanya pero nasa magandang babae pa rin ang aking mga mata.

"Mas maganda lang siya ng isang paligo sa akin eh." Biro naman nito sa akin. "Foreigner?"

Nagkibit-balikat ako. "I don't know. Maybe." Sagot ko.

Magdadalawang oras na rin simula nung dumating kami dito. Nasa dance floor na rin mga kasamahan ko. I don't know but I don't feel like dancing tonight lalo na't para kung nakikita yung lungkot sa mukha ni Pretty face. Yeah, my nickname na siya sa akin. I even saw her nung kinausap siya nung isang kaibigan niya, parang may problema yata ito. At ilang saglit pa ang nakalipas, bumalik na ulit yung friend niya sa dancefloor. She glanced at her glass of Margarita, yeah pati kung ano iniinom niya nalaman ko din sa tagal ko ng nakamasid sa kanya. I wonder nga ba't di pa siya natutunaw eh. Nung makitang wala na, para pa siyang muntik ng matumba nung pumunta siya sa may counter. Di na ako nakatiis at dali-dali akong lumapit sa kanya.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon