Chapter 14 Blank Space

43.9K 1K 103
                                    

"She may not be thinking about you every second of the day, but she will give you a part of her that she knows you can break ---- her heart."



Camille POV


Hindi ko alam kong ilang beses na ako upo at tayo lang sa swivel chair sa loob ng opisina ko. Kahapon pa ako parang wala sa sarili... after that incident inside Danielle's car.

Bakit ba kasi nagpadala ako? What's my excuse this time? Hindi ako lasing, the last time I check, nasa tamang pag-iisip pa naman ako nung mangyari yun. So bakit ako nagpadala sa emosyon ko?

Naitakip ko ang aking mga kamay sa aking mukha. Ano ba nangyayari sa akin? Simula ng makilala ko siya parang nalindol ang mundo kong maayos at tahimik.

I must admit, hindi naman niya ako pinilit kahapon eh. Yes, I tried to escape pero nanaig yung kagustuhan ng katawan ko at nagpadala ako sa tukso. At kung di pa ako natauhan eeeerrr mula sa makamundong katawan ko, may nangyari na sana sa amin... ulit. At sa loob pa sana ng kotse niya na nasa labas lang ng bahay ko!

Alam kong nagalit ito sa akin kahapon. Gusto ko humingi ng sorry pero ayaw niya akong pakinggan.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Si Francis. I declined the call. Ayoko pa ito makausap. I texted him yesterday nung makaalis si Dani at sinabing saka na kami mag-usap. Buti na lang pumayag siya at di na nagpumilit pa.

Isa pa yung gumugulo sa utak ko. Bakit ito galit kay Francis? At kung makapagsalita siya parang alam na alam niya kung ano nangyari sa amin ni Francis dati, kung bakit kami naghiwalay. At ayaw din niyang kausapin ko si Francis. Kung wala ako sa tamang pag-iisip iisipin kong nagseselos siya kay Francis. Isa pa di ko naman siya girlfriend para pagbawalan ako sa kung sino man ang gusto kong kausapin.

Natapos ang kalahating araw na wala ako natapos. Nag-aya si Ana na kumain kami sa Chowking na malapit lang sa building namin.

"Kumusta yung photo shoot kahapon?" Tanong niya sa akin.

"Okay lang naman." Matamlay na sagot ko.

"Best, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"Medyo di maganda pakiramdam ko." Pagdadahilan ko.

"Hala!" Dumukwang naman ito sa lamesa para salatin ako sa noo. "Di ka naman mainit ah."

"Kaya nga medyo lang di ba?"

"Sira!" Sabi niya. "Uso yata ang sakit ngayon. Si Bambie may sakit." Yung pinsan nito na kapitbahay lang nila ang tinutukoy niya. "Si ate Grace din." Asawa naman nung pinsan niya na sa Bicol nakatira. "At si ma'am Danielle may sakit din."

Agad akong napatingin dito nung sinabi niya iyon. "Ha? May sakit si Dani?" Nag-aalalang tanong ko dito.

"Yun daw sabi eh kaya di pumasok sabi sa akin ni Ate Menchie." Tukoy nito sa secretary ni Danielle na ilang linggo na lang yata ay manganganak na.

Bigla naman ako nag-alala kay Danielle. Bakit ka concern? Sabi mo nga di naman kayo.

Kahit naman di kami, nag-aalala pa rin ako dito. Ang alam ko wala itong kasama sa bahay niya, maliban sa dalawang katulong at guard. Nasa Canada ang family nito. Si Abby lang kilala ko sa mga pinsan niya.

Tawagan ko kaya?

Pero ano naman sasabihin ko? Isa pa baka galit pa ito sa akin. Hay naku naman kasi. Ba't pa kasi to nagkasakit? Wala siya karapatan magkasakit! Haist!

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon