"The lips can lie but the heart can never deny who's really beating for."
Camille POV
Isang linggo na ang nakakaraan simula nung nagpunta kami sa Batangas. Mas lalo pa yatang napalapit ang loob ko kay Danielle. And that's the problem.
"Bakit naman yun problema para sayo, best?" Tanong sa akin ni Ana ng magsabi ako sa kanya.
I need someone to talk to about it because if I didn't say it out loud, I'm going to burst anytime soon.
"Ana, alam mo naman kung bakit eh." Problemadong sambit ko at umupo ako sa kama niya.
It's Saturday afternoon and I decided to come by at their house. Nasa kuwarto niya kami at dito nag-uusap. Mahirap na baka marinig pa ng mama niya.
Sumandal siya sa kanyang headboard at humalukipkip.
"No, tell me." Seryosong sabi niya. "Hindi ko alam kung bakit. Kaya sabihin mo sa akin, bakit sa tingin mo problema yang nararamdaman mo para kay Dani."
"Una, hindi ako lesbian." Sabi ko na nagbilang pa sa kamay. "Pangalawa, hindi din ako sure sa nararamdaman ko. I mean, confused pa ako. I still don't understand what it is."
"Haba naman nung number two." Komento niya at tiningnan ko siya ng masama. "Sabi ko nga, magpatuloy ka."
"Pangatlo, hindi kami bagay ni Dani. Sobrang yaman niya, walang wala ako sa mga naging girlfriend niya. Kay Abby pa nga lang na pinsan niya bagsak na ako." May konting lungkot ba sabi ko. Yup, konti lang. "Pang-apat and lastly I guess," Bitin ko. "May mahal na siyang iba."
Nag-isip siya. Pinag-aaralan siguro yung mga sinabi ko sa kanya. Nasa baba pa niya ang isang kamay at hinihimas himas ito. Akala mo naman may balbas.
"Okay, himayin natin ang iyong mga rason na sa tingin ko naman ay mababaw lang." Sabi ni Ana.
Nanlaki tuloy yung mata ko sa kanya. "Mababaw?!" Di makapaniwalang bulalas ko. "Sa tingin mo mababaw yun?"
"Easy." Kalmadong sabi niya. "That's my opinion. We're all entitled to our own opinion."
"Ana, ha?"
"Gusto mo ba marinig sasabihin ko o hindi?" Tanong niya.
"Ano?" Syempre gusto ko rin naman marinig opinion nito tungkol dun eh.
"Sa unang rason mo na sabi mo di ka lesbian." Mataman naman akong nakikinig sa kanya. "Hindi mo naman kailangan ng label eh. Di porke't nagkagusto ka sa babae, lesbian ka na agad? Or pwede ring, bisexual ka. You like men, and you like women."
"Pero hindi eh. Ngayon lang naman ako nagkaganito sa isang babae. Ever since wala naman ako naging crush na babae." Naguguluhan pa ring sabi ko.
"Let's not just make things more complicated. Just don't put any label on yourself right now. Okay?" Seryosong sabi niya. Tumango naman ako dito. Maybe for the meantime. "Yung second reason mo naman, confused ka pa. Natural lang naman yun sa tingin ko, kasi nga sabi mo, this is your first time na may maramdaman sa isang babae. Sa tingin mo, mahal mo na ba si Dani?"
"H-hindi." Maikling sagot ko.
"Camille?" Tanong niya. I'm a terrible liar, I promise.
Napapikit ako ng mariin. "Hindi ko alam, Ana. Pero sa tingin ko naman hindi pa ganun yung nararamdaman ko sa kanya. Alam mo namang iba ako pagdating sa love. Si Francis pa lang ang alam ko minahal ko."
Mataman niya akong tiningnan. "Sabi mo eh." Sagot lang niya. "Sa pangatlong reason mo naman, well, you're wrong." Magsasalita sana ako pero itinaas niya ang kanang kamay para patahimikin ako. "Ang ganda ganda mo kaya! At sa nakikita ko naman gusto ka ni Abby eh." Sabi pa. "Don't get me wrong sa sinabi kong gusto ka ni Abby. I mean, close na yata kayo eh. And friend naman, yung yaman yaman na yan noon pang panahon ni Ina at Angelo yan eh!"
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
Roman d'amourCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...
