Chapter 24 What Will It Be?

40.2K 954 44
                                        

"The heart wants what it wants. The more you hold it from it, the more painful it will be." 

Camille POV

"Marry me." Seryosong sabi ni Danielle.

Nagulat ako sa narinig ko. Mahina lang ang pagkakasabi niya pero daig pa niya ang sumigaw sa harapan ko.

"Marry me, Camille." She repeated.

Bumuka ang bibig ko pero wala kahit isang salitang namutawi at lumabas. Nanlalaki ang mga matang nakatingin lang kay Danielle.
Niloloko ba niya ako? Binibiro lang ba niya ako?

I closed my eyes hard. Ipinilig ko ang ulo ko ng dalawang beses baka sakaling magising ako. Iminulat ko ang aking mga mata at ang magandang mukha pa rin ni Danielle ang nakita ko na naghihintay ng aking kasagutan.

"W-wag ka nga magbiro sa akin ng ganyan Danielle." Nagawa kong sabihin sa kanya.

"It wasn't a joke." Seryosong sabi. "I'm dead serious."

"Then bakit mo ako gustong magpakasal sayo? Dahil lang dun sa tulong na iniaalok mo?" Nawindang talaga ako dito kay Danielle.

"Because I ----" Hindi niya itinuloy ang sinasabi na para bang may pumipigil sa kanya.

"Because you, what?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Bumaling siya sa ibang direksyon. Parang pinag-iisipan kung ano ang susunod na sasabihin sa akin.

"Because I want you to marry me." Yun lang ang idinahilan niya.

"I don't understand." Napailing ako sa kanya. "Please Danielle my life has been turned upside down the last five days, don't add to it."

She stared at me. "Think about it, Camille."

Yun lang at pinagbuksan na ako ng pinto. Parang wala pa rin sa sariling lumabas ako ng kotse niya. Pagkatapos nun ay narinig ko na lang ang ugong ng papaalis na niyang kotse.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako nakatayo lang dun, nakatanga sa kawalan ng marinig ko ang tinig ni Tita Meling.

"Camille, anak." Tawag niya sa akin ng binuksan ang pantaong pintuan sa gate. "Kanina ka pa ba diyan?"

Para naman akong nagising na tumingin sa kanya.

"H-hindi naman po tita." Sagot ko. "Kadarating ko lang po."

"Ganun ba?" Saad niya. "Aba'y pumasok ka na sa loob at baka mahamugan ka pa diyan."

Agad naman akong tumalima at pumasok na sa loob. Pagkapasok sa loob agad na akong umakyat sa kuwarto para magbihis.

At bago matulog, paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko yung sinabi sa akin ni Danielle.

Marry me, Camille.

-----------------

"What???!"

Ang lakas ng pagkakasabi ni Ana nun sa akin. Nabingi yata ako. Napapikit pa yung isang mata ko sa tinis ng boses niya. Napatayo pa ito sa gulat.

"Hinaan mo nga yang boses mo." Saway ko sa kanya at inayos ang pagkakaupo ko sa kama. "Baka marinig ka ni Tita Meling."

Kinabukasan kasi, pumunta itong si Ana sa bahay para humingi ng tawad dun sa ginawa niyang pagsasabi kay Danielle tungkol sa problema ko. Naiintindihan ko naman siya dahil gusto lang din niyang tumulong.

"Sinabi talaga yun ni Dani?" Di pa rin makapaniwalang tanong niya. Tumango ako sa kanya. "Seryoso?"

"Mukha ba akong nagsisinungaling?" Pinanlakihan ko nga siya ng mata.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon