"One beautiful mistake can change everything."
Danielle POV
"P-parang familiar ka kasi sa akin eh." Nagbaba ito ng tingin.
"What if I told you yes?" Seryosong sagot ko at bigla siyang nag-angat ng ulo. "That we've met before sa isang bar."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
You think I can easily forget you or whatever happened between us, Camille? My inner self uttered. Well, you're wrong. So wrong.
"S-so... ibig sabihin..." Halos di ito makapagsalita sa gulat.
Gusto ko siyang sigawan, gusto ko sabihin sa kanya kung ano ginawa niya sa akin sa loob ng isang taong di ko siya nakita. Na di man lang nito nagawang magpaalam pagkatapos nun. Sa loob ng isang taong iyon, nagbago ako. I don't know pero iba yung dating niya sa akin, iba yung epekto niya sa sistema ko eh. And now that I've found her after what? A hundred years? Ayoko na itong mawala pa sa paningin ko. Gusto ko lagi siyang nakakausap... nakakasama.
Damn! Is this the thing they called love? Cause if it is, then I am in love with her!
Kaninang umaga, nung makita ko siyang nag-aabang ng sasakyan, natuwa ako. At kaninang nakita ko kung paano niya ako pagmasdan while I'm driving, naisip ko na siguro kahit papano gusto din ako nito. Tsaka nung nasa conference room kami at nagblush siya nung nginitian ko siya ng matamis, gustung-gusto ko na siyang iuwi! And I couldn't help not to care sa kanya kanina while we're eating lunch, kung pwede lang susubuan ko siya. Wala na rin akong pakialam kung nandun man yung kaibigan niya.
Damn you, Camille! Why you made me this way?
"Yes." Maikling sagot ko. I pursed my lips trying to hold back the words I've wanted to tell her. Nagagalit ako, naiinis ako sa tuwing naaalala ko kung paano niya sambitin ang pangalan ng ex boyfriend niya habang ako ang kanyang kaniig. "I remember everything."
Napanganga siya sa sinabi ko. Di na din ito nakapagsalita hanggang sa muli ng gumalaw yung elevator. Agad akong tumayo at kahit naman masama ang loob ko sa kanya, inilahad ko pa rin sa kanya ang aking kamay para tulungan siyang tumayo because until now, she remain static. Nagbukas na yung elevator pero nanatili pa rin kaming dalawa sa ganung itsura.
"Camille, we're already here at the ground floor." Untag ko sa kanya. Nakalahad pa rin yung kamay ko sa kanya.
Narinig ko siyang huminga ng malalim. "Kaya ko ang sarili ko." Walang kaemo-emosyong saad nito at pilit tumayo. Nauna na rin itong lumabas ng elevator at naglakad palayo sa akin.
Hahabulin ko na sana siya kung di lang ako kinausap nung guard.
"Ma'am pasensiya na ho kayo kung na-stuck kayo sa elevator. Nagkaroon lang kasi ng konting problema sa generator sa tagal na din po na di nagagamit."
"It's okay." Sabi ko pero na kay Camille pa rin yung paningin ko. Nang makita ko ng tuluyan na siyang makalabas ng building, agad ko siya hinabol. "Let's talk about this tomorrow." Nasabi ko na lang sa guard.
"Camille, wait!" Tawag ko dito pero di man lang lumilingon. "Camille!" Tawag ko ulit pero parang wala itong naririnig. "Camille!!!" Galit na talaga ako.
Bigla naman itong tumigil at humarap sa akin. "What do you want?"
Pinagmasdan ko siya. Di ko mabasa kung ano yung mga nasa mata niya ng mga sandaling iyon. Pero walang kaemo-emosyong sabi nito.
"I'll take you home." Mahinahong sabi ko.
"You don't have to. I can go home by myself." Sagot nito at akma ng papara ng taxi.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomanceCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...
