"The best love is the kind that awakens the soul; that makes us reach for more, that plants the fire in our hearts and brings peace to our minds. That's what I hope to give you forever."
Danielle's POV
"Ma'am Dani, nandito na po sina Mr. Baler." Sabi sa akin Menchi mula sa intercom.
Ngayon kasi ang meeting namin ni Mr. Antonio Baler, ang may-ari ng Fresh Toothpaste. Pang-apat siguro ito sa mga kilalang toothpaste sa bansa when it comes to popularity.
"Okay, Menchi. Send them in." Sabi ko na lang at umayos ng upo sa swivel chair.
Ilang sandali pa'y bumukas ang pinto sa aking opisina at iniluwa nun ang isang matandang nasa edad singkwenta pataas -- siya si Mr. Baler, kasama nito ang isa pang lalaking nasa mid forties at isang magandang babae na animo model kung maglakad at magdala ng damit.
"Hello, Miss Gray. It's so nice to finally meet you." Sabi ni Mr. Baler at nakipagkamay sa akin.
"I'm happy to meet you in person, Mr. Baler." Nakangiting sabi ko dito.
"By the way, I brought some sidekicks," Biro nito at bumaling sa mga kasama niyang pumasok kanina. "This is Atty. Wilson Andrada, company lawyer." Baling nito sa isa pang lalaki.
"Hello, Miss Gray nice meeting you." Sabi ni Atty. Andrada at nakipagkamay din sa akin at sinuklian ko din ito ng pagbati.
"And this is my youngest daughter, Rebecca." Pakilala nito sa babaeng nasa tabi niya.
"Hi, Rebecca." Bati ko ng makipag-kamay ito sa akin.
"Hello, Miss Gray." Bati nito sa akin sa sexy na boses. "I'm a big fan of yours." Dagdag pa niya.
"Yes. She's so eager to meet you and when she found out I'm going to meet you today, she insisted to come with us." Patunay naman ni Mr. Baler. "Is it okay with you I brought them with me?"
"It's okay, Mr. Baler." Sabi ko sa kanya. Isa pa, wala na akong magagawa andito na sila eh. "Please take a sit." Sabay mosyon sa magkabilang upuan sa harapan ko. Nakita ko namang umupo si Rebecca sa may couch.
"Miss Gray," Pauna ni Mr. Baler. "It's about what we have talked over the phone the other day, I hope you've talked to Miss Leonzon about it."
"Yes." Sagot ko. "I have talked to her the other day and she accepted it." Masiglang sabi ko sa matanda.
"Good, good." Masaya namang sabi nito. "Atty. Andrada already drafted the contract. We will leave it with you to analyze."
Inilabas naman ni Mr. Andrada yung kontrata na sinasabi ni Mr. Baler at ibinigay sa akin.
"Okay." I said. "We'll going to draft the company's contract and send it to you thru email."
"Yeah sure." Sang-ayon naman niya.
Madami pa kaming napag-usapan tungkol sa gagawing Ads ng produkto nila. Nakikisali din minsan si Rebecca sa usapan. I know when someone is interested in me. Panay kasi ang ngiti nito sa akin at kung titigan ako ang lagkit. Halata ding nakikipag-flirt ito sa akin minsan.
And finally, natapos din ang usapan.
"So we'll meet you and Miss Leonzon tomorrow at two in the afternoon?" Kumpirma ni Mr. Baler.
Napag-usapan kasi namin na-finalize na until tomorrow morning yung contracts para pagdating ng hapon, pirmahan na lang. They also want to meet Camille and to brief us na rin tungkol dun sa gusto nila mangyari sa Ads.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
CintaCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...
