"Ever since we meet, I've known that we're special. The way we talk and laugh around each other is different than everybody else. That I will never meet anyone I can trust as much as I trust you. And I think most people search their whole lives to find what we've already found."
Camille POV
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang parang galit na huni ng pusa. Unti-unti kong iminulat ang mata ko at ang dilim na kuwarto ni Danielle ang bumungad sa akin.
Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng ikinasal kami ni Danielle. At bilang asawa ko na, ay sumunod ako sa gusto niyang dito na tumira sa bahay niya. Tatlong araw pa lang ang nakakalipas simula ng tuluyan na nga akong lumipat dito sa bahay niya, na ang sabi niya ay bahay ko na rin.
Alam na rin nila sa opisina ang tungkol sa amin ni Danielle. Halos lahat sila ay nagulat dahil sa bilis ng mga pangyayari. Kung tutuusin halos limang buwan pa lang nakakalipas simula ng hawakan ni Danielle ang kompanya. At ang dahilan niya ay isang whirlwind romance ang nangyari sa amin.
Sabi naman nung iba naming mga kasama, simula pa naman daw nung una, napansin na din naman daw nila ang kakaibang tinginan namin ni Dani. Napatanong naman ako sa sarili ko nung nasabi nila yun. Ganun ba ako ka-obvious?
Pero lahat sila ay natuwa at masaya para sa aming dalawa ni Dani, dahil talaga naman daw na bagay na bagay kami sa isa't isa.
Narinig ko ulit ang tila protestang meow ni Ampon sa tabi ko. Nakatulog pala ako kakahintay kay Dani.
"Sssshhhh..." Narinig kong hush ng isang boses babae.
Pupungas-pungas ang mga matang inaninag ko ang nagmamay-ari nun pero madilim sa kuwarto at yung mata ko blurred pa.
Humuni ulit si Ampon. Kung aso lang ito kanina pa siguro tahol ng tahol.
"Stop, Ampon!" Mahina ngunit mariing sambit nung babae.
Pilot kong inabot yung switch ng lamp shade sa tabi ko. Si Danielle lang pala eh.
Pero ng maaninag ko na talaga kung sino yun, literal na nanlaki at nalaglag ang panga ko. Paano naman kasi hubo't hubad si Dani sa tabi ng closet!
"D-danielle?" Mahinang sambit ko na halos di na nga lumabas sa bibig ko.
Yung antok na antok na diwa ko ay gising na gising na ngayon. Sobra namang panggising ito!
"Hi." Bati niya sa akin na di man lang nag-abalang takpan ang mga maseselang parte ng katawan niya.
I tried to say a word pero walang lumalabas na boses mula sa akin. Nakatanga lang talaga ako na nakatingin sa kanya. Ang perfect curves nito na lahat ay nasa tamang kalalagyan. Ang proud na dibdib niya ang makinis at mahahaba nitong legs at ang kanyang...
Narinig ko siyang tumikhim. "Enjoying the view, love?" She playfully smiles at me.
Parang dun lang ako natauhan at biglang nag-init ang mga pisngi ko. Kinuha ko yung isang malaking unan at ibinato sa kanya.
"Magtakip ka nga ng katawan!" Sita ko sa kanya at nagtakip ng mukha gamit ang dalawang palad ko.
Parang narinig ko siyang tumawa. Tinatawanan ba niya ako?
Narinig ko ang pagbukas nung closet at ang pagsara nito. Pero di ako naglakas loob na tumingin dito. Mahirap na baka hindi pa balot ang diyosa!
"You can open your eyes now." May panunukso pa rin sa tono nito.
Unti-unti kong tinanggal ang mga kamay ko sa mukha at sumilip kong totoo ngang balot na siya. At nakahinga ako ng maluwang nung naka boxer shorts na siya at tank top na puti.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomansaCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...
