"Your soulmate is not someone that comes into your life peacefully. It is who comes to make you question things, who changes your reality, somebody that makes a before and after in your life. It is not the human being everyone has idealized, but an ordinary person who manages to revolutionize your world in a second..."
Camille POV
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napapayag ako ni Danielle na mag stay dito sa bahay para bantayan daw ako at baka bumalik yung si Francis.
Speaking of that devil. Nagulat ako kaninang umaga na bigla na lang ako padalhan nito ng bulaklak pagkatapos nung ginawa niya sa akin nun. Hayun tuloy buong araw di naging maganda ang timpla ko dahil parang bumalik yung sakit nang nakaraan. Tapos kanina nadatnan na lang namin siya ni Danielle dito sa harap ng bahay. Nagpupumilit pang kausapin ako.
What's there to talk about anyway? Matagal ng tapos ang relasyon naming dalawa. And kahit na aminin ko na medyo masakit pa yung sugat na iniwan niya sa akin, wala na talaga akong makapa sa puso ko na mahal ko pa rin siya.
And ito ang mas ikinagulantang ng mundo ko. Kumbaga ang pinaka-climax ng movie, yung sabihin ni Danielle na sa kanya ako. Nag slow motion pa nga sa utak ko kanina yung sinabi niya na,
SSSSSSSSHHHEEEEE'SSSSS MMMMIIINNNNEEE NNNNOOOWWW
I took advantage of it na din para makaganti kay Francis. I know masama ang gumanti pero... tapos na eh. Basta. Nakaganti na ko sa kanya.
Pero di pa rin ako komportable na may kasama ako dito sa bahay, nasanay na kasi ako na mag-isa lang. Tapos si Danielle pa yun oh.
"What's for dinner?"
"Ay kabayo!" Napapitlag ako ng marinig ko ang boses nito. Pumasok na pala ito sa kusina.
Tinaasan lang ako ng kilay ng diyosa este bruha. Hmp! Sige na aaminin ko na ang ganda at sexy niya sa suot niya ngayon.
Kakatapos lang nito maligo. May dala daw siya palagi na damit pero alangan naman na isuot nito slacks at blouse sa pagtulog? Kaya pinahiram ko na lang siya. Medyo bitin sa kanya yung damit ko kasi mas matangkad naman ito sa akin.
"Done checking me out?" She said with playful smile.
Napaismid ako sa sinabi niya saka tumalikod para tingnan yung niluluto kong pinakbet.
"Hmmm... ang bango naman niyan!" Nagsitayuan yata lahat ng buhok ko sa batok ng marinig ko ang boses nito sa may tenga ko at ang nakakakiliting hininga nito sa left cheek ko.
"Doon ka nga!" Kunwa'y inis na saway ko dito para pagtakpan ang pamumula ko.
"Hey, are you blushing?" Nang aasar pa na sabi nito.
"Isa Dante ha?!" Nakapameywang na sabi ko habang dinuro ito ng sandok.
"Dante?" Kunot noong sabi nito.
"Yup. Kapag di ka nagbehave tatawagin kitang Dante." Banta ko dito.
"Ang ganda ganda ng pangalan ko eh." Napasimangot na sabi nito.
"Upo ka na nga lang sa may mesa." Utos ko dito. "Kakain na tayo."
Bumubulong bulong ito habang papunta sa may lamesa. "May sinasabi ka ba?"
"Wala po." Nakasimangot na sabi nito tsaka naupo sa may lamesa.
Di ko na lang pinansin ito at inihain na ang pagkain sa harapan niya. Di ko alam kung nag-uulam ito ng pinakbet, pero pange ko ba? Siya lang itong makikikain ah. Wag na siya mag-inarte. Pero nagustuhan naman niya yung niluto kong ulam. Pang-apat na tao lang yung lamesa ko, magkatapat yung upuan namin, para tuloy kaming nagde-date.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake
RomanceCamille committed a mistake a year ago. Isang pagkakamali na hindi niya alam kung pagsisisihan o hindi. Naglasing lang naman siya dahil natuklasan niyang matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend niya. And then, while she's at the bar, she met Da...
