Chapter 19 One Hell Ride

47.9K 1K 23
                                        

"I love it when I catch you looking at me and then you smile and look away."


Danielle POV


Pagsapit ng Friday, nag-pack up na kaming lahat papuntang Lian, Batangas. Nag-hire ang kompanya ng bus para isang sasakyan na lang gagamitin para sama-sama. At dahil wala naman ako makakasabay sa pagbibiyahe papunta dun, nakisabay na rin ako sa kanila. Aba, kulang kulang three hours din kaya yung imamaneho ko kung sakali, tapos mag isa ka pa. Nasan dun ang hustisya?

"Everything's settled then?" Tanong ko sa kanila bago kami sumakay sa bus at masigurong nandito na kami lahat at pati mga kailangan namin.

Napag-usapan namin na meeting place ay dito na lang sa building ng kompanya. Kasama lahat, pati guards. Bakasyon grande.

"Yes, ma'am." Halos sabay sabay na sagot nila.

Pinauna ko naman silang sumakay lahat. Lumapit ako dun sa driver ng bus, kasama nito ang karelyebo niyang kundoktor yata.

"Kuya, ingat sa pagda-drive ha?" Paalala ko dito. "Di naman natin kailangan magmadali."

"Opo, ma'am." Sagot nilang dalawa.

"Maingat po itong si Isko, ma'am." Sabi naman nung kundoktor dun sa driver.

"Pero kailangan natin doblehin yung ingat, ha kuya?" Sabi ko.

"Opo, ma'am." Sagot naman nung Isko.

"Alam na naman po ninyo dun di ba?" Tanong ko. "Sa Fabella beach resort po tayo sa Lian, Batangas."

"Opo, alam po namin dun. May mga naihatid na din po kami dun, ma'am." Nakangiting sabi ni Isko.

Tumango na lang ako sa kanila kasabay ng tipid kong ngiti. Nung nakita kong nakasakay na silang lahat, pumasok na rin ako. Nakita ko silang lahat na prente ng nakaupo. Ako pa yata ang uupo sa likod, tsk. Sana lang huwag ako mahihilo, nakakahiya kapag nangyari yun.

Naglakad na ako papunta sa likod ng biglang humarang sa harapan ko si Ana.

"Eh, ma'am, dito ka na lang po." Sabi niya at itinuro ang upuang binakante niya sa tabi ni Camille.

"Ana..." Mahinang saway dito ni Camille at pinandilatan pa.

"No thanks, Ana." I told her with a small smile. "Ayaw yata ni Camille." Dugtong ko pa, umirap naman sa akin si Camille.

"Sige na ma'am, dito ka na." Pilit ni Ana. "Dito na lang ako sa tabi ni Claire." Saka tinuro yung upuan sa kabilang side pero nandun naman si Ethan, under ito ni Peter. "Di ba, Ethan?" Pinandilatan ito ni Ana. "Sa likod ka di ba? Di ba?" Pilit pa itong itinayo.

Natatawa na ako dito kay Ana. "No, it's okay, Ana. I can ---"

"O-opo, ma'am." Putol sa akin ni Ethan na napilitan yatang tumayo at pinaupo si Ana sa tabi ni Claire. "Si Ana na po dito."

"Opo, ma'am. Dun na kayo sa tabi ni Camille." Sabi din ni Ana na nakangisi. "Mahihiluin yan eh. Baka sa akin pa magsuka."

"Uy, hindi ah!" Mariing tanggi ni Camille. "Ikaw kaya ang ganun, Anastacia." Ang taray na sabi pa niya.

"Hmp." Sabay ismid na sagot lang ni Ana.

Iiling-iling na lang ako at nakangiting umupo sa binakante ni Ana. Bale sa may pangatlong line ng upuan kami ni Camile, na siyang nasa tabi ng bintana. Sa right side ko naman, sina Ana at Claire. Pangdalawahan sa magkabilang side lang kasi yung mga upuan sa bus pero okay naman. Malawak yung bus at air conditioned.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon