Chapter 1 Moving On

76.3K 1.3K 126
                                    

"Sometimes you just have to let go of the things that makes you unhappy, although that's the only memories you have. It hurts like hell but nothing you can don but to move on..."


Camille POV


"Alis na kami, Camille." Paalam sa akin ni Claire.

Nag-angat ako ng tingin mula sa mga papales na pinag-aaralan ko at nakita ko ang nakangiting mukha niyang nakadungaw sa bukas na pintuan ng opisina ko.

"Okay. Ingat kayo." Sabi ko.

Yun lang at kumaway na siya bago umalis ng tuluyan. Claire is my secretary and my friend kaya first name basis lang kami. Tsaka isa pa, di ako sanay na tinatawag na ma'am.

I'm currently the Head of the Marketing Department dito sa Media.Com, isang advertising agency dito sa Pasay. At the age of twenty six masasabi ko na naging matagumpay ako sa larangang pinili ko. Naalala ko pa, fresh graduate ako ng nag-apply ako dito at agad namang natanggap bilang Assistant Marketing Officer. From then on, I worked hard. I proved to them na kaya ko kahit fresh graduate lang at wala pang working experience although nag-OJT naman ako sa isa ring advertising company. Hindi naman ako nabigo kaya ko narating kung nasan ako ngayon.

Nag-aral ako sa UP with the degree of Business Management major in Marketing . Taga-Laguna kasi ang nanay ko at ang tatay ko naman, well isa siyang kano. Kaya nga blonde ang kulay ng buhok ko at blue naman ang kulay ng mga mata ko. Nung mabuntis si nanay nung kano, bigla na lang siya iniwan nito at di na muling nagpakita pa.

Haist... what's new? Ganun naman talaga minsan ang mga kano pag nandito sa Pilipinas. Makikipagrelasyon at pag nakabuntis goes away lang ang peg. Wala na silang pakialam kung anong mangyare sa mag-ina nila.

Nagbalik sa kasalukuyan ang isipan ko ng may kumatok sa pinto at bumukas iyon ng di hinihintay ang permiso ko.

"Hey!" Si Ana, ang bestfriend ko.

Nakilala ko siya nung nagtrabaho na ako dito. Nauna siya sa akin ng two years dito. Sa pagkakaalam ko, na-accelerate siya nung high school yata or elementary kaya maaga grumaduate ng college. Nagkagaanan kami agad ng loob at naging matalik na magkaibigan simula noon.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya sa akin. Sa Finance Department naman ito, siya ang head dun.

Nag-angat ako ng ulo at tumingin sa kanya. Nakaupo na pala ito sa harapan ng table ko.

"Maya-maya na lang ng konti." Sabi ko.

Tumingin siya sa suot na relo. "Hala! Mag-oovertime ka na naman?" Saway niya sa akin. Para itong nanay ko minsan kung magsalita. "Mag-aalas sais na o!" Sabay turo sa wrist watch niya.

Tinanggal ko yung eyeglasses ko bago nagsalita. "May tinatapos lang po ako, ma'am."

"Hmp! Sabihin mo lulunurin mo na naman yang sarili mo sa pagtatrabaho para pagdating mo sa bahay mo di ka na mag-iisip pa sa sobrang pagod at matutulog ka na lang." Nakasimangot na sabi nito. Naghalukipkip pa.

"Hay, Anastacia!" Pang-aasar ko naman sa kanya. Ayaw kasi niya naririnig ang buo niyang pangalan tunog matanda na daw. "Hindi naman --"

"Oo na!" Putol niya sa sinasabi ko at mas lalo pa itong sumimangot. "Di na kita sasawayin diyan sa pagpapaka-busy mo sa trabaho basta wag mo lang ako matawag-tawag sa buo kong pangalan."

I laughed softly and leaned back sa swivel chair. "Maya-maya uuwi na rin ako, promise."

"Siguraduhin mo lang." Para pa itong nagbabanta.

Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon